Connect with us

Amazing

Isang babaeng tumulong sa mga bibe na makatawid ng ligtas sa kalsada, umani ng papuri sa publiko!

Published

on

Marami tayong nakikita at nababalitaan na mga kakaiba at nakakatuwang bagay sa araw-araw. Ngunit hindi rin naman mawawala ang mga balita patungkol sa mga krimen, karahasan, at kaguluhan.

Nakakalungkot mang isipin ngunit tila hindi na natin mababago at hindi na natin ito maiiwasan. Ngunit sa kabila nito ay marami pa rin tayong dapat ipagpasalamat at ikasiya.

Sa nakalipas na panahon ay mapalad pa rin tayong lahat dahil napagtagumpayan natin ang pandemya at marami pang krisis sa iba’t-ibang panig ng mundo. Tunay nga na marami ang sasang-ayon sa kasabihan na “life must go on.”

Sa pagsusumikap nating makaraos sa araw-araw nating buhay, marami tayong nakakasalamuhang mga tao na nagsisilbing inspirasyon sa atin. Halimbawa na lamang ang isang babae na ito na nakuhanan ng video.

Sa isang malawak na kalsada kasi ay mayroong isang inahing bibe na kasama ang kaniyang mga sisiw. Napansin ito ng isang magandang babae na bumaba sa kaniyang sasakyan upang tulungan ang mga ito na makatawid ng ligtas sa kabilang dako ng kalsada.

Mapapansin sa video na isa-isang pinara at sinenyasan ng babae ang mga dumadaang sasakyan na huminto muna sandali upang makadaan ang bibe at mga sisiw nito. Marami namang mga netizens ang talagang natuwa sa ginawa niyang ito.


Kahit gaano pala tayo kaabala sa ating mga personal na buhay o trabaho sa araw-araw ay kaya pa rin pala nating gumawa ng mga mabubuting bagay. Tulad na lamang halimbawa ng ginawa ng babaeng ito.

Kung mas marami sana sa atin ang gagawa nito ay mas magiging maganda at maayos ang buhay ng bawat isa gayundin ng mga hayop sa ating paligid. Tiyak na mababawasan na rin ang mga hayop na inaabuso at inaabandona.

Dahil katulad nating mga tao ay mayroon din namang buhay ang mga hayop na ito na dapat din naman nating irespeto at bigyang halaga.



Continue Reading

Copyright © 2022 The Life Feed.