Connect with us

Amazing

25 taong gulang na netizen, ibinahagi sa publiko kung paano niya nagawang magpundar ng sarili nilang bahay mula sa kaniyang determinasyon at pagsusumikap sa buhay!

Published

on

Sa buhay, kaniya kaniya tayo ng mga kinakaharap na pagsubok sa araw-araw. Maaaring ang iilan sa atin ay sagana sa isang bagay habang salat naman ang isa.

Marami ding mga tao ang madaling sumuko sa buhay habang mayroon din namang mas matapang at matatag. Dahil sa mayroon tayong kaniya kaniya nating kalakasan at kahinaan sa buhay, kaniya kaniya rin ang ating mga pamamaraan upang makamit ang ating mga pangarap sa buhay.

Kamakailan lamang ay nagsilbing hamon at inspirasyon sa publiko ang kwentong ibinahagi ng netizen na si Gil Miano Suazo mula sa Laguna. Sa edad kasi niyang 25 taong gulang ay nakapagpundar na siya ng sarili nilang bahay at lupa.


Ayon pa sa kaniyang viral post, ito na mismo ang regalo niya sa kaniyang pamilya lalong lalo na sa kaniyang mga magulang. Naging masaya naman sila noon sa munti nilang bahay kubo kung saan nagkasya silang walo roon.

Punong puno ng pagmamahal ang kanilang sambahayan kahit pa tagpi-tagpi lamang ang kanilang bahay at talagang mahirap ang buhay. Sa kabila ng mga hamon sa buhay na kaniyang naranasan ay mas naging determinado pa siya at mas nagsumikap sa buhay.

Sa edad na 13 taong gulang ay nagsimula na siyang maghanap-buhay. Natutunan niya rin na pahalagahan ang bawat sentimo na kaniyang kinikita noon dahil sa dugo’t pawis ang kaniyang puhunan kitain lamang ang perang iyon.

Naranasan na niyang magtrabaho bilang isang waiter, utusan, wedding singer, at marami pang iba. Hindi na niya pinalampas pa ang pagkakataon upang makapag-ipon ng husto kahit pa nga pinagsasabay niya ang kaniyang pag-aaral sa kolehiyo at pagbabanat ng buto.

Nagtapos siya bilang isang Cum Laude sa UP na talaga namang naging isa sa mga tagumpay niya noon. Nais niyang matupad ang kaniyang mga pangarap sa kaniyang pamilya lalo na ang kanilang sariling bahay na sa ngayon ay nasa 3.5 milyong piso na ang halaga ng “construction running cost”.

Tunay nga na walang imposible sa taong mayroong pangarap sa buhay at pamilyang nakasuporta para sa kaniya.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media