Connect with us

Animals

Reaksyon ng pusa na ito matapos niyang malaman na siya ay buntis, kinagiliwan ng publiko!

Published

on

Abril 2018 nang dalhin sa isang animal shelter ang pusa na ito. Sa lansangan na lamang ito nakatira at tila inabandona na ng kaniyang mga amo.

Talaga namang nakakaawa ang kalagayan ng mga hayop na naninirahan na lamang sa lansangan dahil lamang sa ginawang pag-aabandona sa kanila ng mga itinuturing nilang pamilya.

“Stray and lost cats have a really tough time during the winters up here.With freezing temperatures and frequent storms, they often have to seek shelter in the basements of older buildings.” Pahayag ni Inunnguaq Christiansen na isang board member sa animal shelter na Dyrenes Venner.

Pinangalan nila ang pusa na ito bilang si Ulla. Hindi naman din nagtagal at itinuring na niyang tahanan niya ang naturang shelter. Naging palakaibigan ito sa mga rescuers doon at hindi na naging masyadong mailap pa.

“She’s very lovely and caring. I brought my own dog, Yaris, to the shelter one time and Ulla immediately jumped on the cage.” Dagdag pa ni Christiansen.

Ayon sa mga rescuers ay halos isang taong gulang pa lamang si Ulla nang kanilang mailigtas. Ngunit napansin nilang tila mayroong kakaiba sa kaniyang ipinapakitang ugali. Ilang linggo pa ang lumipas at unti-unting nadaragdagan ang timbang ni Ulla.

Isa sa mga volunteers doon ang nakapansin sa lumalaki nitong tiyan. Kung kaya naman agad nila siyang dinala sa isang veterinary facility sa Greenland kung saan isinagawa ang isang ultrasound. Dito nila nakumpirmang buntis nga siya!

Ang sumunod na pangyayari ang gumulat sa lahat dahil sa tila ay gulat na gulat na reaksyon ni Ulla sa kaniyang pagdadalang-tao. Nakuhanan naman agad ni Christiansen sa kaniyang kamera ang reaksyon na iyon ni Ulla.

Ibinahagi niya sa kaniyang social media account at ito ay umani ng napakaraming komento at reaksyon mula sa publiko. Sa ngayon ay mayroon nang bagong pamilya si Ulla na siyang nangangalaga at nagmamahal sa kaniya at sa kaniyang mga kuting.


Continue Reading

Copyright © 2022 The Life Feed.