Connect with us

Animals

Isang rescued fox, hindi mapigilan ang humalakhak nang husto nang hawakan at laruin ito ng kaniyang amo!

Published

on

Pagdating sa pagkakaroon ng mga pets, talagang mayroon tayong kaniya-kaniya nating gusto. Maaaring marami sa atin ang may gusto ng malalaking alagang aso o di kaya naman ay maliliit at mabalahibong mga pusa.

Mayroon din namang ilan sa atin ang may gusto ng makukulay na mga isda o di kaya naman ay kakaiba at “exotic” na mga pets. Bilang isang pet owner, marami sa atin ang talagang naglalaan ng budget para sa ating mga alaga, nariyan na ang monthly check-up at vitamins nila o di kaya naman ay grooming nila, mga pagkain at marami pang iba.

Maliban sa mga materyal na bagay na ito, nangangailangan din sila ng oras at atensyon. Kung kaya naman bilang responsableng mga pet owners ay hindi natin dapat balewalain ang mga ito.

Kamakailan lamang ay mayroong isang cute na rescued fox ang talagang pinagkakaguluhan sa social media. Siya ay si Finnegan, sa unang tingin ay aakalain mong isa siyang aso ngunit siya ay isang rescued fox mula sa “Save A Fox”.

Marami ang natuwa sa kaniyang video kung saan makikita at mariring ang kaniyang hagikgik habang kinakamot ng kaniyang amo ang kaniyang tiyan. Ang naturang video ay kuha ni Makayla Raines, siya ang founder ng “Save A Fox” at talagang nae-enjoy niya ang pag-aalaga sa mga domesticated fox na ito.

“I discovered the world of domestic foxes upon taking in a tame pet fox several years ago,” Pahayag niya.

“Domestic foxes are unlike wild foxes in that they are born in captivity to sell as pets, as well as being bred in ‘fur farms’ for the sale of their pelts.” Dagdag pa niya.

Taong 2017 nang simulan niya ang kaniyang foundation at mula noon ay talagang marami na rin silang naalagang mga fox tulad na lamang ng rescued fox na si Finnegan na talagang napakalambing at napaka-sweet.


Continue Reading

Copyright © 2022 The Life Feed.