Connect with us

Business

Php2,000 na kabuuang kapital, napalago ng isang ginang kahit pa nga utang lamang ito sa Bombay na kalaunan ay kumita na ng halagang Php20,000 kada araw!

Avatar

Published

on

Napakagandang halimbawa at inspirasyon ngayon ang ginang na ito dahil sa maliit na halagang hiniram niya sa Bombay ay napalago niya at ngayon ay talagang kumikita na ng malaki. Sinong mag-aakala na ang halagang Php2,000 na kabuuang kapital ay mapapalago ni Mayette Corcuera?

Photo credit: Karen Davila / Facebook

Mahirap man ang buhay at talagang napakaraming sakripisyong kailangang gawin, hindi nagreklamo kailan man at hindi alintana ni Mayette ang hirap para sa kaniyang apat na mga anak. Ang nais niya kasi sa buhay ay hindi magutom ang kaniyang mga anak kung kaya naman ganoon na lamang ang naging pagpupursige niya sa buhay.

Photo credit: Karen Davila / Facebook

Noon ay naglalako pa siya sa mga baryo para lamang magtinda ng isda, gulay at mga prutas. Nagdesisyon din siya noon na magdagdag pa ng ilang mga paninda kung kaya naman nang magkaroon siya ng pagkakataon ay nangutang na rin siya sa isang Bombay (5-6).

Photo credit: Karen Davila / Facebook

Dito ay mas nadagdagan pa ang kaniyang mga paninda at bumili rin siya ng isang bisikleta. Hindi niya alintana ang pagod at ang hirap na kaniyang ginagawa nang mga panahong iyon.

“I used to go around our barrio to sell fish, vegetables, and fruits. Our situation even forced me to borrow P2,000 from an informal lender called Bombay 5-6 so that I have enough capital to start a business and buy a bicycle,” Pagkukwento ni Mayette.

Photo credit: Karen Davila / Facebook

Maliban sa pagtitinda niya ng mga isda, gulay at prutas ay nagtitinda rin siya ng palamig at inumin sa tapat ng eskwelahan habang balut naman ang tinda niya pagsapit ng gabi. Hindi man madali ang kaniyang naging pagsisimula ay hindi niya ito ikinahiya kailan man.

“I sell items wherever I go, whether it be a fiesta or a graduation, so I can feed my family. Maybe, this is why the Lord has blessed me,” Dagdag pa niya.

Photo credit: Karen Davila / Facebook

Dahil nga sa kaniyang pagpapagal ay talagang lumago ang kaniyang negosyo. Ang dating naglalako lamang gamit ang bisikleta ay mayroon nang sariling pwesto. Napag-aral na rin niya ang kaniyang mga anak sa kolehiyo at nagagawa pang makatulong sa mga nangangailangan.

Sa katunayan pa nga ay namamahagi siya ng mga libreng pagkain at “face masks” sa gitna ng pandemya.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media