Connect with us

Business

Mga “wooden pallet” maaari nang palitan ng “CocoPallet” upang makapagsalba ng 200 milyong mga puno kada taon!

Avatar

Published

on

Ang katimugang bahagi ng India ay talaga namang sagana sa iba’t-ibang uri ng mga puno ng niyog. Ngunit naging malaking problema talaga ang mga balat at bao ng niyog na talagang napakarami at hindi na nagagamit pa.

Credit: Efforts for Good

Madalas ay makikita ang mga ito sa gilid ng mga kalsada at basurahan, bumabara sa mga kanal, at nagdudulot din ng polusyon sa hangin lalo na kung susunugin ang mga ito. Dahil sa lumalalang sitwasyon na ito ay sinimula ng isang Dutch start-up company sa Amsterdam ang kanilang produktong “CocoPallet”.

Credit: Efforts for Good

Gumagawa sila ng mga paletang mula sa mga balat at bao ng niyog. Talaga namang organic, mas mura at mas siksik ito kaysa sa mga kahoy o plastic na mga paleta.

Ang nakatuklas ng teknolohiya sa paglikha ng mga paletang ito ay walang iba kundi ang plant-fiber scientist ng Wageningen University na si Jan Van Dam. Noong una ay labis pa siyang nasorpresa nang mayroong isang Indones na lalaking nagpakita sa kaniya ng isang “prototype coconut pallet”.

Credit: Efforts for Good

Hindi siya talaga makapaniwalang gawa ito sa bao at balat ng niyog. Sinubukan ni Van Dam na simulan ito sa Pilipinas ngunit nabigo siya.

Hanggang sa makilala niya si Michiel Vos na siyang nakatuklas ng mas epektibong paraan upang magkaroon ng isang “world class product” mula sa mga bao at balat ng niyog na ito. Ayon sa ilang mga pag-aaral ay maaaring makapagsalba ng halos 200 milyong mga puno ang teknolohiyang ito sa Netherlands pa lamang.

Credit: Efforts for Good

Halos 50% ng mga “coconut waste” ang nagagamit sa paggawa ng produktong ito na fire at termite resistant din! Nakakabilib talaga hindi ba? Sa ngayon ay mas nagiging matagumpay ang produksyon nila ng mga “CocoPallet” sa ilang mga bansa sa Asya.

Layunin ng founder na tuluyan nang maibsan ang ating suliranin sa “coconut waste” sa mas simple at hindi delikadong pamamaraan.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media