Connect with us

Viral

Mag-asawang nagligtas ng higit 500 mga hayop, umalis sa kanilang trabaho at nagtayo ng isang animal sanctuary kahit na wala silang pera!

Published

on

Napakaraming magagandang tanawin at nakakamanghang lugar sa iba’t-ibang panig ng mundo. Hindi na nakapagtataka na marami sa atin ang may kaniya-kaniyang bucket list sa mga “top tourist destinations” na ito.

Kilala ang Canary Islands sa Spain bilang isa sa pinakamagandang atraksyon sa lugar. Ngunit mayroon palang isang parte ng islang ito na hindi madalas mapag-usapan.

Ito ang lugar kung saan madalas nakakakita ng mga abandonado nang hayop. Sa panahon natin ngayon, hindi na bago ang pagkakaroon ng ganitong klase ng usapin.

Marahil ay talagang marami nang mga tao ang nawawalan ng disiplina sa pag-aalaga ng kanilang mga alagang hayop. Dapat sana ay sila ang kumakalinga at kumukupkop sa mga ito ngunit sila pa ang madalas na nagiging dahilan upang maging palaboy-laboy sila sa lansangan.

Dahil dito ay nagkaroon ng inspirasyon ang mag-asawang ito na magtayo ng isang santuwaryo ng mga hayop sa isla ng Tenerife. Ibinahagi nila sa isang sikat na social media platform ang naging karanasan nilang ito na umabot din ng apat na taon.

Ayon sa kanila, hindi raw naging madali ang pagtatayo nila ng santuwaryong ito dahil kahit na mayroon silang pangarap ay kulang naman sila sa pinansiyal na tulong. Ngunit sa kabila ng maraming mga taong nagsasabing hindi nila ito makakaya, nagawa pa rin nilang mapagtagumpayan ito.

Sa loob lamang ng apat na taon ay nagawa nilang totoo ang kanilang mga pangarap. Sa kanilang santuwaryo sa ngayon ay mayroong mga kabayo, pagong, baboy, aso, manok, at marami pang ibang uri ng mga hayop. Umani ito ng sari-saring komento mula sa publiko.

$bp(“Brid_66034118”, {“id”:”23832″,”width”:”662″,”height”:”426″,”video”:”1111398″,”autoplay”:0,”shared”:true});

Ayon sa karamihan sa kanila, nagsisilbing inspirasyon ang mag-asawa na huwag sumuko sa mga pangarap kahit gaano pa ito kahirap at ka-imposible. Dahil kung gusto talaga nating matupad ang ating mga pangarap sa buhay ay talagang pagpupursigehan natin ang mga ito sa abot ng ating makakaya.



Continue Reading

Copyright © 2022 The Life Feed.