Connect with us

Viral

Kilalanin natin si Enzo, ang Golden Retriever na mayroong kakaibang balat sa kaniyang mukha!

Published

on

Madalang o kakaunti lamang ang mga hayop na nagkakaroon ng “genetic mutation”. Sa tuwing nagkakaroon ng ganitong klase ng mutation ang mga hayop na ito ay hindi ito kaagad nakikita kapag sila ay bata pa bagkus ay kapag sila ay matanda na.

Kamakailan lamang ay pumukaw sa atensyon ng publiko ang isang Golden Retriever na ito. Kahit na noong tuta pa lamang ito ay mayroon na itong kulay itim na balat sa kaniyang mukha.
Ayon sa mga doktor na tumingin sa kaniya, ito raw ay isang genetic disorder. Dalawang buwan pa lamang noon si Enzo nang ampunin siya ng isang pamilya.

Tulad ng ibang mga tuta ay talagang mahilig siyang maglaro, matulog, at makisalamuha sa maraming tao.

Isinilang siyang mayroon nang balat na kulay itim sa kaniyang mukha. Ito ay isang rare genetic mutation na kung tawagin ay “Pigmented Somatic Cell Mutation”.

Isa itong bihirang kondisyon sa mga katulad ni Enzo ngunit kahit pa nangyari ito sa kaniya ay naging espesyal niya pa rin itong katangian. Ayon naman sa Doggenetics UK, ang naturang cell mutation ay nangyayari sa katawan ng isang hayop matapos mabuo ang “embryo” nito.

Kung sakaling maganap ang mutation habang nabubuo ang embryo, magkakaroon ng ibang kulay sa mukha o katawan ng hayop. Madalas na “black patch” ito sa mga pulang Labrador at Golden retriever.

“Golden retrievers are born with a base black coat, with a ‘modifier gene’ that turns them golden.” Pahayag ni Ella Castro na fur mom ni Enzo.

“Almost every dog has this modifier. Enzo has a little stumble in his DNA that erased it on that one part of his face.” Dagdag pa nito.

Sa kabila ng naging kondisyon na ito ni Enzo, hindi ito naging matamlay o malungkutin na aso. Kahit na madalas maraming mga tao ang nagtatanong patungkol sa kaniyang balat, marami pa rin ang talagang nagmamahal sa kaniya ng husto.



Continue Reading

Copyright © 2022 The Life Feed.