Connect with us

Viral

Isang tuta na nailigtas mula sa kaniyang mahirap na kalagayan, nagpasalamat sa kaniyang rescuer sa pamamagitan ng pagbibigay dito ng kaisa-isa niyang pagkain!

Published

on

Nakakalungkot isipin na padami ng padami ang mga hayop na nangangailangan ng ating tulong sa paglipas ng panahon. Nang matagpuan ng mga rescuers ang isang tuta na ito sa isang “junk yard” sa South Africa ay talagang mababakas na may sakit ito, hinang-hina, at halos hindi na makalakad pa.

Sa kabila ng kaniyang mahirap na kalagayan ay nagawa pa nitong iwagayway ang kaniyang buntot bilang pasasalamat sa ginawang pagliligtas sa kaniya ng mga rescuers na ito. Marahil, nais ng tuta na makapagpasalamat sa kanila kung kaya naman hindi na ito nagdalawang-isip pang ibigay ang kaisa-isa niyang pagkain ng mga oras na iyon – isang piraso ng tinapay.

Talaga namang marami ang naantig sa mga larawan ng naturang tuta. Kahit na hindi nito kayang lumapit at maglakad patungo sa kaniyang mga rescuers ay talagang sinikap niyang magawa ito upang maipakita ang kaniyang labis na pasasalamat.

Napansin din naman ng mga rescuers na giniginaw nang husto ang tuta at gutom na gutom din ito. Kung kaya naman agad din nila itong binigyan ng makakain at maiinom na tubig.

Dinala rin nila ito sa isang beterinaryo upang masuri ang kaniyang kalagayan. Naging maayos naman ang pagtingin sa kaniya ng doktor.

Pagkatapos nito ay nakakita rin ang mga rescuers ng isang “foster home” para sa kaniya hanggang sa hindi nagtagal ay nakatagpo na ito ng pamilyang mag-aampon sa kaniya. Sa ngayon ay nasa maayos at mabuti na siyang kalagayan.


Malakas na rin ang tuta na ito dahil sa tulong ng kaniyang bagong pamilya. Ang bagong libangan niya ay ang pangongolekta ng iba’t-ibang klase ng mga bato.

Buti na lamang at nabigyan pa siyang muli ng isa pang pagkakataon upang mabuhay. Upang maranasan ang mahalin ng mga tao sa kaniyang paligid.

Tunay nga na mapalad pa rin siya dahil dumating ang mga rescuers na iyon upang siya ay mailigtas.



Continue Reading

Copyright © 2022 The Life Feed.