Connect with us

Viral

Isang marathon runner na nagligtas ng isang tuta hanggang sa matapos niya ang finish line, umani ng papuri mula sa publiko!

Published

on

Taong 2019 noon nang magkaroon ng isang marathon sa Bangkok, Thailand. Nagsimula ito ng alas-kwatro ng umaga.

Isang racing enthusiast si Khemjira Klongsanun at talagang gustong-gusto niya ang ganitong mga kompetisyon. Maaga nga siyang nagtungo sa lugar kung saan ito gaganapin at doon ay maaga na rin siyang nag-warm-up bilang paghahanda sa karera.

Naging maayos naman ang takbo ng lahat. Walang naging problema ang mga taong nakiisa sa naturang event. Ngunit nang nasa ikapitong milya na siya ng kanilang 26-mile race ay may nakita siyang kawawang tuta sa gilid ng daan!

Nakita niya ang tuta na tila ba hindi alam ang gagawin kung kaya naman bilang isang dog lover ay hindi niya talaga nagawang balewalain na lamang ito. Saglit pa nga niyang hinanap kung mayroon itong ina o mga kapatid sa paligid ngunit wala siyang nakita na kahit isa man lamang.

Sa halip na iwanan ang tuta ay kinarga na niya ito gamit ang isa niyang kamay. Pinangalanan pa niya itong Nong Chom at doon nga ay nagpatuloy pa rin sa karera.

Hanggang sa makarating sa 19-mile run niya si Khemjira ay naging maayos naman ang kalagayan ng tuta. Nang malapit na sila sa finish line ay talagang naghihiyawan ang mga tao para sa kanilang dalawa.


Isang araw ay bumalik muli si Khemjira sa lugar kung saan niya natagpuan si Nong Chom sa pagbabakasakali na makita niya roon ang nanay o mga kapatid nito. Dito na niya napatunayang mag-isa lamang ang tuta nang araw na nakita niya ito sa gilid ng kalsada.

Sa ngayon ay mayroon nang masayang pamilya si Nong Chom at hindi na siya muling mag-iisa pa. Hindi man nagwagi si Khemjira sa karera ay laking pasasalamat pa rin niya dahil nagkatagpo sila ni Nong Chom na ngayon ay naging bahagi na ng kanilang pamilya.

Mapalad din naman si Nong Chom dahil sa pagkakaroon ng mabuting puso ni Khemjira.



Continue Reading

Copyright © 2022 The Life Feed.