Connect with us

Viral

Isang Golden retriever ang nagligtas sa isang batang bibe dahil inakala nitong siya ay nalulunod!

Published

on

Marami na sa atin ang nag-aalaga ng mga hayop sa ngayon. Kahit pa nga sabihing marami din silang pangangailangan o mga gastusin na dapat nating maibigay ay hindi ito alintana ng karamihan.

Iba kasi talaga ang saya at kagalakan na naidudulot nila sa atin. Tulad na lamang ng aso na ito na nagbigay kaligayahan sa publiko kamakailan lamang.

Si Violet ay isang mabait na Golden retriever. Katulad ng karamihan sa atin ay mahilig din talaga siya sa mga malilit na mga hayop.

Nang minsang dalhin siya ng kaniyang fur mom sa isang parke para sa pang-araw-araw na lang pamamasyal ay nakakita si Violet ng isang “nalulunod” na bibe. Ngunit agad na napansin ng mga tao roon na masyado pang bata ang bibe kung kaya naman medyo hirap pa ito sa paglangoy-langoy.

Dahil nga dito ay naisip tuloy ni Violet na nalulunod ito! Nang makita nga ni Violet ang tila “nalulunod” na batang bibe ay agad itong tumalon at iniligtas ito.

Gamit ang kaniyang bibig ay dinala niya ang bibe sa konkretong bahagi ng parke. Bagamat wala namang ibang masamang intensyon si Violet sa kaniyang nagawa ay napagalitan pa rin ito ng kaniyang fur mom.


“Violet, are you for real? Drop the duck!” Sigaw ng fur mom ni Violet.

Nang marinig naman ito ni Violet ay naintindihan niyang galit na ito kung kaya naman hindi na siya nagdalawang-isip pang ibaba ang bibe. Makikita sa mga mata ni Violet ang pagtataka kung bakit tila galit ang pagsigaw ng kaniyang fur mom gayung wala naman siyang masamang ginawa sa bibe.

Matapos na maibahagi ito online ay inulan na ng komento at reaksyon mula sa publiko ang naturang video. Marami ang natuwa kay Violet dahil sa pambihirang pagmamalasakit nito sa bibe.

Kung nakakapagsalita lamang ang mga hayop tulad ni Violet ay tiyak na sasabihin nito ang kaniyang magandang dahilan kung bakit niya iniligtas ang bibe mula sa “pagkakalunod” nito.



Continue Reading

Copyright © 2022 The Life Feed.