Connect with us

Viral

Isang fox ang dumalaw sa isang bahay, kinabukasan ay kasama na rin nito ang kaniyang kapatid!

Published

on

Sa mga lugar kung saan malapit ang kinatitirikan ng kanilang bahay sa gubat o sa mga bundok, tiyak na nakaranas na silang mabisita ng mga hayop katulad na lamang halimbawa ng mga usa, unggoy, o di kaya naman ay fox. Karamihan sa atin ay talagang nagagalak at natutuwa na makakita ng mga ganitong klase ng hayop dahil nakakatuwa talaga silang pagmasdan at maaari din silang maging paksa kung mag-uusap ang pamilya sa tuwing nagkakasama-sama ang mga ito.

Kamakailan lamang, mayroong isang netizen na nagbahagi ng nakakatuwang larawan na ito na talagang pumukaw sa atensyon ng publiko. Nakilala ang netizen bilang si “Vechrotex” at ibinahagi nito ang kwento sa likod ng mga larawang ibinahagi niya online.

Nang minsang bumisita daw ito sa kaniyang lola na ang tirahan ay malapit sa isang gubat ay nagkaroon siya ng isang magandang karanasan. Gustong-gusto niya ang mamalagi dito dahil pakiramdam niya ay mas nagiging malapit siya sa kalikasan.

Isang araw habang siya ay malapit sa kanilang pintuan ay may napansin siyang isang fox sa labas na tila nanghihingi ng makakain mula sa kaniya. Sobrang cute ng fox na ito kung kaya naman agad niyang kinuha ang kaniyang cellphone at kinuhanan ito ng larawan.

Gustuhin man daw niyang buksan ang kanilang pinto ay hindi niya magawa dahil natatakot siyang magalit ang mga magulang ng munting fox. Kinabukasan ay nakarinig na naman siya ng kakaibang ingay mula sa labas ng bahay ng kaniyang lola at nang silipin niya ito ay nakita niya ang fox na dumalaw sa kanila nung nakaraan kasama na ang kaniyang kapatid!


Naghahabulan at naghaharutan ang dalawang fox na ito nang makuhanan niya ng larawan. May isang larawan pa nga siyang kuha kung saan kinakagat ng isang fox ang buntot ng kapatid nito.

Dagdag pa ni Vechrotex, nakita rin daw niya ang nanay ng mga fox na ito na nakatago sa mga halaman habang nakabantay sa kaniyang mga anak habang sila ay masayang naglalaro.



Continue Reading

Copyright © 2022 The Life Feed.