Connect with us

Viral

Isang dental clinic, mayroong nakakapangilabot ngunit epektibong paraan upang mahikayat na magsipilyo ang mga bata!

Published

on

Marahil sa ngayon, mas marami nang mga kabataan ang nasasanay na makakita ng mga doktor. Ngunit noon, talagang kinatatakutan ng maraming mga bata ang pagpunta sa ospital, pagbisita sa kanilang mga doktor – partikular na ang pagpunta sa mga dentista.

Kapag nagpunta kasi ang isang bata sa dentist, madalas na nagpapabunot sila o di kaya naman ay nagpapalinis ng kanilang mga ngipin. Hindi masarap ang pakiramdam kapag nagpapabunot ng ngipin kung kaya naman talagang marami ang matatakot sa ganitong sitwasyon.

Dahil dito ay kaniya-kaniya namang estratehiya ang mga doktor at mga klinika upang maengganyo ang mga batang magpakonsulta sa mga dentist. Marahil magaganda ang lahat ng nasa isipan ninyo ngunit kakaiba ang pakulo ng isang dental clinic na ito.

Dahil maaaring nakakatuwa para sa iilan ang kanilang naisip na ideya ngunit talagang nakakatakot din naman para sa iba. Lahat kasi ng mga stuffed toys sa klinika na ito ay mayroong pustiso!

Katulad na lamang halimbawa ng isang ito sa larawan na nakaupo pa sa isang upuan na tila isang pirasong ngipin. Medyo nakakakaba at nakakatakot naman ang elepante na ito na mayroon ding sarili niyang pustiso.

Mayroon ding pustiso si Nemo na tila masama rin ang tingin. Mayroon pa ngang isang teddy bear na cute na sana ngunit nagmistula pang nakakapangilabot dahil sa kulang ng isang ngipin ang suot nitong pustiso.


Tila hindi rin makakatulog ng mahimbing ang makakakita kay Doraemon at sa kapatid niyang si Dorami dahil sa mga nawawala nilang ngipin. Mayroon pa ngang isang giraffe na nawawalan din ng ngipin sa bandang harapan!

Nakakatakot mang pagmasdan ngunit ayon sa klinika, maraming mga bata ang hindi na tatamarin na magsipilyo dahil sa mga nakita nilang laruan na kulang kulang at bulok ang mga ngipin. Ngunit ano man ang sabihin ng nakararami, tiyak na mas maeengganyong magsipilyo ang mga kabataan kung maipapaliwanag sa kanila ang kahalagahan nito para sa kanilang sariling kalusugan.



Continue Reading

Copyright © 2022 The Life Feed.