Connect with us

Viral

Isang batang kambing ang tila inampon ng nanay na asong ito kasama ng kaniyang mga tuta!

Published

on

Si Blizzie ay isang tatlong taong gulang na Great Pyrenees dog. Ilang linggo pa lamang ang nakakaraan nang magsilang siya ng apat na mga tuta.

Laking gulat ng kaniyang mga amo dahil hindi nito alintana na maging nanay para sa isang batang kambing na inayawan na ng kaniyang ina! Siya pa mismo ang nagtuturo sa batang kambing kung saan ito pupwesto kasama ang kaniyang apat na mga tuta.

Hindi rin ito nagagalit sa tuwing dedede sa kaniya ang kawawang kambing. Ilang araw pa ang lumipas at naging malapit na nga sa isa’t-isa si Blizzie at ang isang buwang gulang pa lamang na kambing na pinangalanan nilang si Rita.

Wala namang tutol ang 18-anyos na si Glori Rushing at ang kaniyang mister sa ginawang ito ni Blizzie.

“I bought Smore about four months ago and was surprised when she had quadruplets. Unfortunately, the other three kids didn’t make it, and Smore didn’t want anything to do with Rita.” Pagkukwento ni Glori.

“Blizzie has recently had a litter of puppies, and her pen has a fence of about six feet. She climbed over it into the pen to pick up Rita and put her with her own puppies. Blizzie took care of Rita, so I just let her keep her because she was doing an amazing job.” Dagdag pa niya.

Ibinahagi din niya na sinubukan nilang padedehin sa bote si Rita ngunit mas gusto talaga ni Blizzie na kaniya ito dumede.

“Blizzie will sit there and wait for her. I was giving Rita a bottle every couple of hours because I didn’t know how good dog milk would be for a goat, but she would just go and nurse from Blizzie instead. Blizzie is supposed to help look after the farm and the goats, but I’ve never seen her take one in like this before.” Pagsasalaysay pa ni Glori.



Continue Reading

Copyright © 2022 The Life Feed.