Connect with us

Viral

Isang bata at alaga nitong aso na natutulog sa lansangan, umantig sa puso ng publiko!

Published

on

Noon pa man ay madalas na nating marinig ang mga katagang “Dogs are man’s best friend.” Marahil, ito ay dahil sa napakaraming mga pagkakataon kung saan nakakasaksi at nakakabalita tayo ng mga kwento patungkol sa mga alagang aso na ganoon na lamang ang pagmamahal at paggiging tapat sa kanilang mga amo.

Kahit pa nga ang sarili nilang buhay at kaligtasan ay hindi nila alintana, magawa lamang nila ang kailangan nilang gawin para sa mga kinikilala nilang amo at pamilya. Kamakailan lamang ay umantig nga sa publiko ang larawan na ito ng isang aso kasama ang kaniyang amo na isang binatilyo.

Makikita na magkayakap sila kahit na sa malamig na sahig lamang sila natutulog. Talagang maraming mga netizens ang nagkomento dito dahil mayroon din daw silang mga kapatid at mga alagang hayop.

Hindi nila lubos maisip kung bakit at paanong sa mapanganib na lugar natutulog ang dalawa! Marami din namang ang humanga dahil sa kabila ng mahirap nilang kalagayan sa buhay ay makikita mo talaga ang tunay na pagkakaibigan at pagmamahal ng dalawa para sa isa’t-isa.

Ang netizen na si Jem Villomo ang nakakita sa kanila at siya rin ang kumuha ng larawan na ibinahagi niya online. Dagdag pa ng mag netizens, dapat daw na nasa kustodiya ng DSWD ang batang ito dahil sobrang mapanganib kung hahayaan lamang silang magpalaboy-laboy sa lansangan.

Mayroon din namang ilang mga pribadong organisasyon na maaaring mag-alaga sa alaga niyang aso. Tunay nga na sa ating buhay, marami tayong dinaranas na mga pagsubok at pasakit.


Ngunit nasa sa atin na lamang talaga kung pipiliin nating magpakalugmok sa mga ito o gawin natin ang ating makakaya upang magpatuloy sa buhay at hindi sumuko. Buti na lamang at mayroon pa ring mga taong naniniwala sa atin at mga kaibigan tulad na lamang ng asong ito na palaging naroroon para sa kaniyang amo.



Continue Reading

Copyright © 2022 The Life Feed.