Connect with us

Viral

Isang aso na mayroong pambihirang pang-amoy at dalawang ilong, pumukaw sa atensyon ng publiko!

Published

on

Si Wallis ay isang golden retriever na isinilang na mayroong cleft palate syndrome. Ito ay inilalarawan bilang “minor deformity” sa mukha ng isang tao o isang hayop.

Dahil dito ay nagkaroon siya ng tila dalawang ilong. Kung inaakala ng iilan na ito ay isang “major deformity”, nagkakamali sila dahil dito ay mas nagmukha pa ngang cute si Wallis.

Ang 21 taong gulang na si Lana Culley ang nagmamay-ari at nag-aalaga ngayon kay Wallis. Siya ang nagpapatakbo ng negosyo ng kanilang pamilya na isang cafe sa Coast.

Ayon pa kay Lana, naampon niya si Wallis mula sa Bournemouth dahil nang makita niya ito ay batid niyang wala na siyang makikita pang kasing cute at kasing bibo nito.

“We chose Wallis when he was a puppy because of his noses. He is adorable and we knew there wouldn’t be another Golden Retriever quite like him.” Pahayag ni Lana.
“We already had another dog called Sunny, and the pair of them are inseparable.” Dagdag pa niya.

Hindi lamang daw kakaiba ang dalawang ilong na ito ni Wallis dahil sa nakakamangha rin ang pambihirang kakayahan niya na makaamoy. Bago pa man daw nila ampunin si Wallis ay mayroon na silang alaga na si Sunny.

Ngayon ay talagang hindi na mapaghiwalay ang dalawa. Palagi silang tumatakbo, naglalaro, at kumakain ng sabay.

“He is no different to Sunny and he has no idea he looks any different. The pair of them always enjoying themselves outdoors.” Pagkukwento pa ni Lana.

Giit ni Lana, maaaring may kapansanan nga ang kaniyang alaga kumpara sa ibang mga aso sa kanilang paligid. Ngunit batid niyang mahal na mahal niya at ng kaniyang pamilya si Wallis sa kabila nito.

Kahit pa magkaroon daw sila ng pagkakataong mapaOperahan ito ay hinding-hindi nila nanaisin na baguhin pa si Wallis. Para sa kanila ay wala nang hihigit pa rito.



Continue Reading

Copyright © 2022 The Life Feed.