Connect with us

Viral

Isang 6 na taong gulang na bata, binigyang parangal ng kaniyang paaralan matapos nitong dalhin sa ospital ang naaksidenteng sisiw!

Published

on

Isang anim na taong gulang na bata mula sa Mirzoram, India ang pumukaw sa atensyon ng publiko. Ito ay matapos niyang isugod sa ospital ang sisiw na aksidente niyang nasagasaan ng kaniyang bisikleta.

Ang batang ito ay nakilala kalaunan bilang si Derek C Lalchhanhima. Talagang nagulat siya at nag-alala nang husto nang makita ang kawawang sisiw.

Kung kaya naman hindi na siya nagdalawang-isip pa na isugod ito sa ospital dala ang inipon niyang pera na nagkakahalaga ng 100 rupees. Kinagiliwan ng publiko ang pagiging inosente nito at ang pambihirang kabutihan ng kaniyang puso.

Sa kumakalat niyang larawan ay makikita ang batang ito habang hawak ang sisiw at ang naipon niyang pera. Bakas na bakas din sa kaniyang mga mata ang labis na pag-aalala niya sa kawawang hayop.

“This young boy from Sairang, Mizoram, accidentally ran over his neighbor’s chicken. He took the chicken, ran to a nearby hospital and with all the money he had, asked for help. (I’m laughing and crying all at the same time.” Pahayag ni Sanga na siyang nagbahagi ng larawan ng bata online.

Dagdag pa niya, naikwento rin daw ng tatay ng bata na isang pulis – si Officer Dhiraj Chhetri – na bigla na lamang umuwi sa kanilang bahay ang kaniyang anak dala ang sisiw na diumano ay aksidente niyang napaslang. Umiiyak daw nang husto ang kaniyang anak at gustong dalhin sa ospital ang sisiw upang mailigtas pa ito.

Dahil dito ay labis ding humanga ang kaniyang paaralan sa kaniyang ginawa. Dahilan upang gawaran siya ng parangal.

“Derek (age 6) is being honored by his school and he is draped in a shawl which is a traditional way of honoring someone among mizos.”

Sa tradisyon ng mga Mizos, iba’t-ibang “shawl” o alampay ang ibinibigay sa mga bisita upang kilalanin ang pambihira nilang katapangan. Para kay Derek ay isang “Tawlhloh Puan”, ibinibigay ito bilang pagkilala sa “exemplified extraordinary courage” ng isang indibidwal.



Continue Reading

Copyright © 2022 The Life Feed.