Connect with us

Viral

Ilang mga ulap na nagmistulang aso sa kalangitan, umantig sa puso ng publiko!

Published

on

Halos lahat naman siguro tayo ay nakaranas nang mamatayan ng kaibigan at ng minamahal sa buhay. Talagang napakasakit kung ating pakakaisipin ang mabuhay nang wala na sila sa araw-araw sa tuwing tayo ay gigising.

Ngunit wala rin naman tayong ibang magagawa kundi ang magpatuloy sa buhay at ipanalangin na lamang ang kanilang mga kaluluwa. Darating din naman ang panahon na tayo ay magkakasamang muli sa lugar kung saan wala nang paghihirap, wala nang karamdaman, at wala nang pighati.

Tulad ng mga kaibigan at mga kaanak nating sumakabilang-buhay na, marami din sa atin ang nawalay na ng tuluyan sa ating mga alagang aso. Madalas na rin tayong makasaksi ng mga video ng mga kilalang personalidad na ganoon na lamang ang pagtangis sa pagkawala ng minamahal nilang mga aso.

Kamakailan lamang ay mayroong isang lalaking nagbahagi ng larawan online. Sa larawan na ito ay makikita ang isang “cloud formation” na kapag tiningnan mong mabuti ay makikita moa ng isang aso na tila nakaupo.

“When she was still alive, she loved to eat delicious food here in the house and run on the grass outside!” Pagbabahagi nito.

Marahil kung maaari lamang magsalita at makabalik ang mga alaga nating ito ay sasabihin nila sa atin na huwag na tayong malungkot pa dahil nasa maganda na silang kalagayan sa ngayon. May ilan pang mga dog owners na nagbahagi ng kanilang mga kuhang larawan sa mga “cloud formation” na ito.

Katulad ng naunang lalaki ay naiisip din nila ang mga alaga nilang aso na namayapa na. Para sa kanila ay talagang masakit ang kanilang pagpanaw at pamamaalam ngunit nawala man sila sa mundong ito ay mananatiling tunay ang kanilang mga alaalang naiwan – na habang buhay nang mananatili sa puso at isipan ng kanilang mga naging amo.

Sa halip na malungkot ay mas mainam sigurong isipin na lamang natin na mapalad tayo dahil minsan tayong nakaranas na maging parte ng kanilang buhay sa mundong ito.



Continue Reading

Copyright © 2022 The Life Feed.