Connect with us

Viral

Nawawalang aso nakabalik sa kaniyang amo makalipas ang 200 araw!

Published

on

Sa ngayon ay kasama nang muli ni Blue ang kaniyang among lalaki. Isang tawag ang natanggap ng Washington County Animal Shelter noong buwan ng Abril kung saan mayroon daw isang asong bigla na lamang natagpuan sa bahay ng isang concerned citizen. Marahil ay naligaw o di kaya naman ay naghahanap ng masisilungan ang naturang aso kung kaya naroroon siya sa bahay na iyon.

Agad din namang rumesponde ang animal control officer at dinala si Blue sa kanilang animal shelter. Walang nakaaalam kung paano napunta si Blue sa lansangan at kung ilang araw na siyang palaboy-laboy.

Ngunit napansin nilang halos lahat ng taong nakakasalubong nito ay tila binabati niya at hindi niya inaangilan.

“He was a happy-go-lucky dog. He was a little shy at first, and he wasn’t very fond of all the other dogs being around him, but he was extremely affectionate to people and very loving to the staff.” Pahayag ni Tammy Davis na executive director ng animal shelter.

Sa hindi inaasahang pagkakataon ay kinailangang maghigpit ng naturang animal shelter sa mga taong nagpupunta rito dahil na rin sa pandemya. Ilang buwan ding nanatili si Blue sa animal shelter dahil dito.

Nang magbahagi na ang animal shelter ng video ni Blue habang naglalaro ng paborito niyang laruan ay mayroong isang taong nagkomento na diumano ay ito raw ang kaniyang alagang aso. Ito pala ang kaniyang among lalaki na matagal nang naghahanap sa kaniya.


Ilang buwan na raw ang nakalilipas nang bigla na lamang nawala ang asong si Blue at hindi na umuwi pa sa kanilang tahanan sa Tennessee. Walang tigil siyang hinanap ng kaniyang amo ngunit hindi siya makita nito.

Buti na lamang at nakita nito ang kaniyang alaga sa social media na naging dahilan upang magkasama silang muli! Talaga namang mapalad pa rin si Blue at ang kaniyang amo dahil muli silang nabigyan ng pagkakataon na magkasama sa kabila ng mga pagsubok na kanilang pinagdaanan.


Continue Reading

Copyright © 2022 The Life Feed.