Connect with us

Viral

Master baker, ipinamalas ang pambihira niyang talento sa pamamagitan ng mga “realistic cake designs” niya!

Published

on

Sa paglipas ng panahon ay hindi maipagkakaila na talagang napakarami nang nagbago sa ating paligid. Hindi lamang magaganda ang naging bunga ng mga pagbabagong ito kundi mga pagbabago na mayroon ding hindi magandang naidudulot sa tao, sa hayop, at maging sa ating kapaligiran.

Maging pagdating sa teknolohiya natin sa ngayon ay malaki na rin ang naging pagbabago. Marami sa atin ay hindi na rin tumitigil sa pagtuklas sa maraming mga bagay na kaya pa pala nating gawin. Tulad na lamang halimbawa ng isang master baker na ito.

Sinong mag-aakala na siya mismo ang gumagawa ng mga “realistic cake designs” na ito? Talaga namang kulang ang salitang “perpekto” upang mailarawan ang mga likha niyang ito.

Hindi lamang mga isla ang kaniyang ginagawa kundi maging mga coral reef scenery ay kayang-kaya niyang gawing cake! Para bang hindi mo nanaisin na hiwain at kainin kung ganito kagandang cake ang tatamban sa iyo.

Hindi lamang espesyal ang mararamdaman ang iyong pagbibigyan nito kung nagbabalak kang ito ay ipang-regalo dahil maaari na talaga itong ipanlaban sa mga kompetisyon ayon na rin sa naging komento ng ilang mga netizens. Ilan sa mga nagawa na niyang obra ay ang ilang isla, “school of fish”, “waves of the ocean”, isang resort, “blue water cake”, lighthouse, at “underwater cave”.


Tunay nga na nagsilbi ring inspirasyon sa marami ang master baker na ito dahil kung talagang mayroon kang talento at lilinangin mo pa ito ay walang magiging imposible. Kung kaya naman para sa mga taong may natatagong talento o hilig sa kahit na anong bagay, maaaring huminto tayo sandali dahil sa maraming hamon ng buhay ngunit huwag na huwag tayong susuko.

Hindi natin makakamit ang tagumpay kung agad na lamang tayong panghihinaan ng loob sa mga bagay na nangyayari sa ating paligid – lalo na sa mga bagay na hindi naman natin hawak o hindi naman natin kontrolado.



Continue Reading

Copyright © 2022 The Life Feed.