Connect with us

Viral

Isang tuta na matiyagang pumila para sa libreng pa-lugaw, kinagilawan ng mga netizens!

Published

on

Isang napaka-cute na tuta ang sumikat sa iba’t-ibang social media platforms matapos na kumalat ang ilang mga larawan nito habang siya ay nakapila sa isang libreng pa-lugaw sa kanilang barangay. Kadalasan, kapag sinasabi sa atin na sumunod tayo sa mga paalala at alituntunin, marami ang nagiging pasaway at hindi nakikinig.


Kahit pa nga nasa wastong mga edad na tayo ay tila ba nagiging likas na sa karamihan sa atin ang maging pasaway. Halimbawa na lamang ay ang pagiging maayos at responsable sa pila.

Aminin man natin o hindi, kapag sinabi sa atin na umayos tayo ng pila ay tiyak na mayroon pa ring magiging pasaway, mayroong mga sisingit, at talagang hindi susunod sa mga alituntunin. Ngunit sa kabilang banda, tila kakaiba ang tuta na ito dahil kahit pa isa siyang hayop ay tila mas responsable at mas disiplinado pa ito kaysa sa atin.


Maraming mga bata ang nakapila sa feeding program na inilunsad ng Kings Eagles Club at Gilas Kings Eagles Club sa Brgy. Navotas, Metro, Manila. Ngunit sa bandang harapan ay mayroon ding isang tuta na naghihintay naman para sa kaniyang oras.


Ito ang oras kung kailan sila ay bibigyan na ng libreng lugaw. Nangyari ito sa pangunguna ng kanilang kapitan na si Kapitan Dennis Den-den Tan Juan.


Labis din itong namangha nang makita ang tuta kung kaya naman kinuhanan siya ng ilang mga larawan.

“Wala pong sisingit nauna siya sa pila nagtyaga mag-antay sa init. Masarap at libreng lugaw.” Pahayag ng kapitan.

Maliban sa kapitan at sa mga residenteng naroroon ay namangha rin ang maraming mga netizens sa naging pag-uugali ng naturang aso. Kamangha-mangha raw talaga ang makakita ng ganitong klase ng hayop na tila isang tao kung mag-isip.

Talagang inulan ng maraming positibong komento ang post na iyon ng kapitan at marami ding napa-sana all na lang sa pagiging disiplinado nito.


Continue Reading

Copyright © 2022 The Life Feed.