Connect with us

Viral

Isang pusa na namataang nagko-comfort sa kaniyang kapatid habang wala ang kanilang amo, kinagigiliwan ngayon ng publiko!

Published

on

Si Emma Patricia ay isa lamang sa mga taong mahihilig sa pusa. Mayroon siyang apat na makukulit na mga pusa sa kanilang bahay. Dalawa na nga sa mga ito sina Norman at Noah.

“My little sister actually found Noah when she was on a canoe trip. He was down on the riverbed, and I came and got him, and he never left. They are brothers and very much act like it.” Komento ni Patricia.

Mula nang ampunin nina Patricia si Noah ay si Norman na ang naging nakatatandang kapatid nito. Kung kaya naman tuwang-tuwa talaga ang kanilang mga amo.

“They love to be close to one another. Generally, where you find one, the other is close by.” Dagdag pa niya.

Isang Sabado ay kinailangang umalis ni Patricia upang kumain ng almusal at bumili ng libro nang bigla na lamang bumuhos ang malakas na ulan. Nakita niya sa kaniyang CCTV ang dalawa niyang pusa na mayroong “private moment” habang nakatanaw sila sa bintana.

Noong una ay naglalaro at naghaharutan pa silang dalawa sa sahig ngunit ilang minuto lang ang lumipas at tila kinocomfort na ni Norman si Noah.


“The boys love to sit and watch the rain in the window. I didn’t think anything of it but then I looked over a few minutes later, and Norman had his arm around Noah and they were just sitting there like that watching the storm.” Kwento pa ni Patricia.

Agad namang kumalat ang larawan at video nina Norman at Noah na si Patricia din mismo ang kumuha bago siya pumasok ng trabaho. Hindi natural sa kaniyang mga pusa ang pagiging mabait sa isa’t-isa dahil palagi niyang nakikita ang dalawang itong naghaharutan at talagang grabe kung mag-away.

“They will hug each other like that to groom one another. But to just sit like little thunder buddies that way — never!”



Continue Reading

Copyright © 2022 The Life Feed.