Connect with us

Viral

Isang pasyente ang bumuti ang kalagayan matapos itong bisitahin sa ospital ng kaniyang aso!

Published

on

Noon pa man ay naririnig na natin ang mga katagang “laughter is the best medicine.” Tunay nga na kung ikaw ay masaya ay mas magiging posible na gumaling ka kaagad sa iyong karamdaman malala man ito o hindi.

Kahit pa gaano kahirap o kalala ang ating pinagdaraanan, kung tayo ay mayroong positibong kaisipan at ngiti sa kabila ng mga ito, tiyak na makakaya natin ano man ang karamdaman o problema ang dumating sa atin. Ilang linggo na ring sumasailalim sa gamutan ang pasyente na si Flavio Santos.

Kailangan niyang manatili sa ospital upang magawa ang mga gamutang ito. Siya ay mayroong sakit na kanser ngunit sa kabila nito ay talagang pinipilit niyang maging matatag.

Sa kabila ng kaniyang pinagdaraanan ay talagang hinahangaan siya ng mga taong nakapaligid sa kaniya. Humuhugot rin siya ng lakas ng loob mula sa kaniyang alagang aso na si Agadir.

Dahil sa may katagalan na rin ang pamamalagi niya sa ospital, kalaunan ay napansin ng mga doktor at mga nars niya na para bang hindi nagiging mabuti ang kaniyang kalagayan at walang nagiging pagbabago rito. Nang malaman nila na mayroong aso si Flavio sa kanila ay pinayagan nila itong dumalaw sa ospital.

Nang makita siya ni Flavio ay talaga namang naging maaliwalas ang mukha nito. Sakay ng kaniyang wheelchair ay nakangiti niyang sinalubong si Agadir.

Hindi napigilan ni Flavio na maging emosyonal nang makita niya ang kaniyang alagang aso. Matapos nang kanilang muling pagkikita ay nagulat ang mga staff ng ospital dahil sa nagkaroon ng magandang pagbabago sa kalagayan ni Flavio.

“I was surprised. He was conscious, oriented and talking.” Pahayag ni Dr. Rodrigo Tancredi.

“We visibly noticed his improvement the other day. The improvement occurred in a gradual way and remains.” Dagdag pa niya.

Tunay ngang mayroong sikolohikal at pisikal na benepisyo ang pagdalaw ng mga alagang hayop sa kanilang mga amo na mayroong karamdaman at nagpapagaling sa ospital.


Continue Reading

Copyright © 2022 The Life Feed.