Connect with us

Viral

Isang leon at isang aso ang hindi na mapaghiwalay pa dahil sa labis nilang pagiging malapit sa isa’t-isa!

Published

on

“Out of this world” kung ilarawan ng marami ang pagkakaibigan ng isang leon at ng isang aso. Bata pa lamang ay magkaibigan na ang mga ito kung kaya naman hindi na rin nakapagtataka na sobra na silang malapit sa isa’t-isa ngayon.

Si Bonedigger ay isang 500 pounds na leon habang si Milo naman ay isang “dachshund dog”. Hindi ordinaryo ang kanilang pagkakaibigan lalo na at kapag sinabi nating leon ay isang matapang na hayop na tila ba kahit anong maliit sa kaniya ay kayang-kaya niyang kainin.

Ang matalik na magkaibigang ito ay matatagpuan sa G. W. Exotic Animal Park sa Wynnewood, Oklahoma. Sa kabila ng pagiging malaking hayop ni Bonedigger – siya pala ay mayroong kapansanan.

Medyo baldado na kasi siya dahil sa kaniyang “metabolic bone disease”. Dahil sa kalagayan niyang ito ay naging malapit sila ni Milo at ng dalawang pang kaibigan nitong aso na sina Bullet at Angel.

Marahil ay naramdaman nilang may kakaiba at maya espesyal kay Bonedigger kung kaya naman palagi silang nariyan para protektahan ito. Ngayon na sobrang laki na ni Bonedigger ngunit hindi nabawasan ang pagiging malapit at malambing nito sa kaniyang mga kaibigan.

Sa katunayan ay nasa iisang kulungan na lamang sila naglalagi. Sabay rin silang kumakain ng mga hilaw na karne at palaging naglalaro.
Halos lahat ng bagay ay ginagawa nila nang magkasama. Marami ang talagang bilib sa kanilang pagkakaibigan.

Kahit pa nga marami ang nagugulat sa pagkakaibigan nilang ito ay mas marami pa rin ang humahanga dahil malaki man ang pagkakaiba nilang dalawa ay pinatunayan nilang maaari naman pala silang maging matalik na magkaibigan. Tunay nga na mapalad tayo dahil mayroon tayong mabubuti at totoong mga kaibigan.

Tulad na lamang nina Milo, Bonedigger, Angel, at Bullet na nakatagpo rin ng tunay na kaibigan sa bawat isa sa kanila. Pagkakaibigan na mas pinatatatag pa ng paglipas ng panahon at ng kanilang pagkakaiba.


Continue Reading

Copyright © 2022 The Life Feed.