Connect with us

Viral

Isang lalaking pulubi ang nagpapakain ng mga pusang kalye na ito kahit siya mismo ay wala nang makain!

Published

on

Yung mga taong hirap sa buhay at walang-wala, iyon daw ang mga taong mas nagbibigay ng tulong sa kanilang kapwa. Ito ay dahil sa batid daw nila ang pakiramdam nang walang wala sa buhay.

Kung kaya naman kahit mayroon silang kakaunti lamang ay kaya nila itong ibahagi sa iba. Kamakailan lamang ay marami ang nakapansin sa video ng lalaking ito na sa unang tingin ay mapapansin mo nang isang palaboy lamang ngunit sa kabila nito ay nagpapakain siya ng mga pusang gala.

Nakuhanan ng video ng ginawang ito ng lalaki na nagsilbing inspirasyon naman sa nakararami lalo na sa mga taong may kakayanan naman sa buhay na tumulong sa abot ng ating makakaya. Tinanong din siya ng taong kumukuha ng video kung siya ay kumain na at ang sagot naman nito ay nakakain na raw siya.

Kahit na walang-wala ang lalaking ito ay hindi ito naging dahilan upang hindi niya tulungan ang mga pusa na kaniyang nakita sa daan. Marahil ay katulad din niya ang mga ito na walang matatawag na tirahan.

Hindi tulad ng maraming mga indibidwal na tiyak na kakilala natin, kahit na mabulok ang mga pagkain sa loob ng kanilang ref ay ayos lamang sa kanila kaysa ibahagi sa mga tao o hayop na mas nangangailangan. Marami din naman sa atin ang may kakayahan namang tumulong sa ibang mas nangangailangan ngunit sa halip na tulungan ay talagang huhusgahan at mamatahin pa ang mga ito.


Nakakalungkot lamang na sa panahon natin ngayon, kung sino pa ang nasa mahirap na sitwasyon at kalagayan sa buhay ay sila ang mayroong pagmamalasakit sa iba. Sana ay mas marami pa sa atin ang gumawa ng mabubuting bagay sa ating kapwa tao at sa mga hayop na nangangailangan talaga ng ating tulong.

Hindi na natin dapat pang asamin na may bumalik sa atin na kahit ano basta ang mahalaga ay makatulong tayo sa kanilang mga kapus-palad.


Continue Reading

Copyright © 2022 The Life Feed.