Connect with us

Viral

Isang lalaki na sa kalye nakatira, ipinagdiwang ang kaarawan ng kaniyang alagang aso!

Published

on

Marahil ay sikat na sikat pa rin hanggang sa ngayon ang kasabihan na “Money makes the world go round.” Naging tipikal nang kaisipan sa marami sa atin na kapag marami raw pera ang isang tao ay kayang-kaya nitong gawin ang lahat.

Walang magiging hadlang upang gawin niya ang nais niyang gawin dahil mayroon siyang pera na kaniyang magagamit. Ngunit maliban pala sa pera, mahalagang malaman din natin na ang kabaitan ng isang tao sa kaniyang kapwa ay hindi rin nawawala sa uso.

Ang pagiging mabuting tao mo ang magiging dahilan upang mas mahalin at mas igalang ka ng mga tao sa iyong paligid. Tulad na lamang halimbawa ng isang lalaki na ito na sa unang tingin ay mapapansin mong isang palaboy at walang sariling tahanan.

Kasama niya rin ang kaniyang mga alagang aso sa lansangan habang ang ipinagdiriwang nila ang kaarawan ng isa sa mga alaga niya. Mayroon kasing maliit na cake sa harapan ng lalaki na mayroon ding sinding kandila.

Habang ang kaniyang alagang aso ay nakakatuwang mayroon pang birthday hat sa ulo. Ayon sa mga nauna nang ulat, ang lalaki palang ito ay si Choco Jose Luis Matos.

Sa lansangan lamang siya nakatira nang halos ilang taon na rin. Siya ay isang Colombian. Nawalan ito ng tahanan nang siya ay tumakas sa isang mapanakit na tahanan.

Kahit pa wala siyang sariling tahanan ay mayroon naman siyang dalawang alagang aso. Ito ay sina Nena at Shaggy.

Si Shaggy ang mayroong kaarawan at talagang pinaghanda ito ni Choco ng munting selebrasyon. Marami ang mga taong naantig sa sitwasyon nilang ito dahil sa kabila ng pagiging palaboy nila ay marunong silang magmahal at magmalasakit kahit pa nga sa alaga nilang aso.

Hindi lahat tayo ay mayroong ganitong klase ng pananaw at pag-uugali. Kung kaya naman talagang napukaw nila ang atensyon ng publiko.


Continue Reading

Copyright © 2022 The Life Feed.