Connect with us

Viral

Isang lalaki mula sa Thailand gumawa ng food at water dispenser para sa mga asong ligaw sa kanilang lugar!

Published

on

Hindi naman na lingid sa kaalaman ng publiko ang malalang kalagayan natin ngayon dahil sa climate change at global warming. Marahil ay nabalitaan na rin ng karamihan sa atin kung paanong naaapektuhan ang mga tao at mga hayop dahil dito.

Tayong mga tao at maging ang mga hayop sa ating paligid ay talagang nakakaranas na ng matinding epekto nito. Isa marahil ito sa mga dahilan upang gawin ng isang lalaki na ito mula sa Thailand ang kaniyang proyekto para sa ilang mga asong ligaw sa kanilang lugar.

Gumawa kasi ito ng food at water dispenser kung saan niya inilagay ang mga pagkain at tubig para sa mga aso na sa lansangan naninirahan. Nakakaawa ang kanilang kalagayan dahil sa wala silang nasisilungan kung matindi ang sikat ng araw o di kaya naman ay napakalakas ng ulan.

Buti na lamang at mayroong ilang mga tao o mga grupo na mayroong pagmamahal at pagmamalasakit sa mga ito. Sa naturang video ay makikita na mayroon agad isang asong nakatikim ng biyayang ito.

Mababakas sa kaniyang mga mata ang pasasalamat dahil sa pagkain at tubig na maaari nilang maging laman tiyan sa tuwing sila ay nagugutom o nauuhaw. Talagang marami ang pumuri sa kaniya dahil dito.

Hindi lamang mga animal rescuers kundi maging mga animal lovers. Umani ng napakaraming komento mula sa mga netizens ang ginawang ito ng lalaki.

Narito ang ilan sa mga naging komento nila:

“Although this feeder is very simple, it is very practical!”

“There should be such a device in every corner of every community.”

“It’s very good, but what if some stray dogs’ diseases may spread to other dogs?”

“It would be even better if there was a canopy to protect the feed from the rain.”

“What if a dog comes to grab food at the same time and there is a dispute? It’s better to help them find owners.”



Continue Reading

Copyright © 2022 The Life Feed.