Connect with us

Viral

Isang gitarista ang hindi pinapansin ng mga tao sa paligid niya hanggang mayroong 4 na mga pusang nakinig sa kaniyang pagtugtog!

Published

on

Mayroon tayong kaniya-kaniya nating dahilan sa bawat ginagawa nating desisyon sa buhay. Maaaring para sa iilan ay hindi tama o hindi katanggap-tanggap ang iyong mga desisyon ngunit para sa iyo mismo at para sa mga taong nakakakilala sa iyo ay ito na ang pinakamainam na desisyong maaari mong gawin.

Sa paglipas ng panahon ay mas marami tayong natutuklasan sa ating mga sarili. Tunay nga na hindi magiging huli ang lahat upang naisin mong mapaunlad ang iyong sarili.

Maghanap ng bagong trabaho kung halimbawang hindi na nakakabuti sa iyo ang kompanya na iyong pinagtatrabahuhan o di kaya naman ay humanap ng bagong libangan. Nariyan na ang pamamasyal sa magagandang lugar, pagsasanay na magluto, pagbabasa ng libro, o di kaya naman ay pagtugtog ng instrumento.

Tulad na lamang halimbawa ng isang lalaki na ito na nakuhanan ng video habang tumutugtog ng kaniyang gitara. Ngunit hindi tulad ng maraming gitarista na mga tao ang nakikinig at nakasubaybay, apat na pusa ang masugid niyang tagahanga.

Marami ang natuwa sa lalaking ito habang tumutugtog ng gitara dahil ang kaniyang mga audience ay mga pusa. Talagang nakatitig sa kaniya ang mga pusang ito at tila hindi gumagalaw sa kanilang mga pwesto.

Hindi rin mapigilan ng maraming mga netizens na magbahagi ng kanilang mga opinyon at reaksyon patungkol sa naturang video. Marami din kasi sa kanila ang may mga alagang pusa na talagang makukulit at kwela rin tulad ng mga pusa na ito.


Ano nga kaya ang nasa isip ng mga pusang ito? Natutuwa kaya sila sa talento ng lalaki na ito sa video o baka naman nais nilang lumusot sa butas gitara o paglaruan ang mga kwerdas nito?

Bagamat hindi pa malinaw kung saan kuha ang video na ito at hindi rin kilala ang lalaking nasa video, parami pa rin ng parami ang mga taong nagbabahagi nito online.


Continue Reading

Copyright © 2022 The Life Feed.