Connect with us

Viral

Isang bingi at bulag na aso, kinagiliwan ng publiko dahil sa naging reaksyon nito nang maramdaman niyang nakauwi na ang kaniyang amo!

Published

on

Ang pagkakaroon ng kapansanan – bulag, pipi man yan o bingi – ay talagang hindi madali. Napakahirap ng ganitong kalagayan ngunit nagagawa ng marami sa atin na magpakatatag at tanggapin na lamang ang kanilang sitwasyon.

Buti na lamang at karamihan sa atin na nakakaranas nito ay mayroon mga pamilya at kakilala na siyang sumusuporta sa atin. Ngunit tiyak na mas mahirap ito sa mga hayop tulad na lamang ng aso na ito.

Ang aso na ito ay mayroong kakaiba ngunit nakakamanghang kwento. Sa ngayon ay nagagawa niyang mabuhay dahil sa kaniyang pang-amoy.

Talaga namang nagagamit niya ang kakayahan niyang makaamoy sa tuwing uuwi ang kaniyang amo mula sa trabaho. Ang nakakatuwang aso na ito ay nakilala ng publiko bilang si Opal.

Siya ay natagpuan sa Double J Dog Ranch sa Idaho. Ang lugar na ito ay lugar kung saan inaalagaan at kinakalinga ang mga katulad niyang hayop na mayroong kapansanan.

Ngunit madalas na mas mahirap makahanap ng bagong pamilya o bagong tahanan ang mga katulad ni Opal na mayroong kapansanan. Marahil, marami sa atin ay hindi na nanaisin pang mag-alaga ng mga hayop na may kapansanan dahil hindi naman talaga biro ang pag-aalaga sa kanila.


Mas gugustuhin pa siguro nila ang mag-ampon o mag-uwi ng alagang hayop na walang kapansanan dahil mas madali silang alagaan. Buti na lamang at nakilala ni Opal, si Christina at ang mister nito.

Nang makita at malaman nila ang kalagayan ni Opal ay ginusto na talaga ng mag-asawa na mabigyan ito ng maayos na tirahan. Ipinanganak na bingi at bulag si Opal kung kaya naman bata pa lamang ito ay hindi na ito nakakakita o nakakarinig man lang.

Sa kabila ng kanyang kapansanan ay hindi ito nabigyan ng pagkakataon na magkaroon ng sarili niyang pamilya hangga’t dumating na nga ang mag-asawang ngayon ay itinuturi na niyang mga magulang at tanging pamilya.


Continue Reading

Copyright © 2022 The Life Feed.