Connect with us

Viral

Isang bata ang nagligtas sa tuta na ito na pinagmamalupitan ng ibang mga bata, ngayon ay naging malapit na silang magkaibigan ng tutang kaniyang iniligtas!

Published

on

Ang pagkakaroon at pag-aalaga ng isang hayop ay hindi basta-basta. Kailangan mo din kasing maging responsable at disiplinado. Kakailanganin mo ding maglaan ng sapat na oras at panahon sa pag-aalaga sa napupusuan mong hayop – aso man iyan, pusa, ibon, at marami pang iba.

Sa paglipas ng panahon ay napakarami na nating nababalitaan na mga pang-aabuso at pagmamalupit sa mga kawawang hayop na ito. Marami din sa kanila ang basta na lamang inaabandona ng kanilang mga amo sa kung saan – walang pagkain, inumin, o masisilungan man lamang.

Buti na lamang at mayroon pa ring mga taong handang tumulong sa mga inabandona at inalipustang hayop na ito. Halimbawa na lamang ang batang ito na talagang tinulungan ang isang kawawang tuta na nasa bingit na ng kapahamakan.

Isang pitong taong gulang na batang Argentinian ang umani ng mga positibong komento mula sa publiko dahil sa ginawa nitong pagmamalasakit sa isang tuta. Siya ay si Nicolas na nakatira sa Rosario.

Ayon sa kaniya ay iniligtas niya ang kawawang tuta mula sa pagmamalupit ng isang grupo ng kabataan. Muntik na rin daw mapatay ng mga bata ang kawawang tuta. Nang makita niya ito ay agad niyang tinulungan at iniligtas ang tuta.

Dinala niya ito sa beterinaryo upang masuri ang kaniyang kondisyon gamit ang pera na kaniyang inipon. Kalaunan ay nagdesisyon siyang hiramin ang tuta mula sa doktor.


Naibahagi sa Facebook ang kwento niyang ito na agad din namang umani ng napakaraming magagandang komento at reaksyon mula sa publiko. Samantala, pinangalanan naman ni Nicolas na Esteban ang tuta.

Palagi nang sinusundan ni Esteban si Nicolas kahit saan pa ito magpunta. Kapag nasa eskwelahan naman siya ay hinihintay niyang makauwi ang kaniyang kaibigan at saka sila maglalarong dalawa.

Nakakatuwang makita na wala na sa panganib ngayon si Esteban. Bagkus ay nakatagpo na siya ang taong magmamahal at magmamalasakit sa kaniya.


Continue Reading

Copyright © 2022 The Life Feed.