Connect with us

Viral

Isang aso na mayroong mukha na parang isang tao, patok na patok ngayon online!

Published

on

Pinagkakaguluhan ngayon sa iba’t-ibang social media platform ang aso na ito. Siya ay nakilala sa pangalang Nori. Marami ang talagang nagulat nang kumalat ang ilan sa mga larawan niya online.

Kakaiba kasi ang kaniyang hitsura at aakalain mong mukha ng tao ang kaniyang mukha! Si Nori ay isang taong gulang na Australian shepherd-poodle mix.

Ang kaniyang mga amo ay sina Kevin Hurless at Tiffany Ngo. Siya ay mayroong malaking mga mata kung kaya naman talagang marami ang nagugulat sa kaniyang hitsura.

“I think Nori’s coloring is what makes him look human, especially his eyes. People like to say that his eyes make him seem very wise or soulful. He has a very expressive face – he even makes a disgusted face when I’m painting my nails and he smells the nail polish.” Komento ng kaniyang fur mom na si Tiffany.

Sa Seattle naninirahan ang mag-asawa at sa tuwing may makakakita kay Nori ay talagang napapahinto ang mga ito at napapatingin muli sa kanilang direksyon.

“When he was a puppy, we couldn’t go more than a block without someone stopping us to ask questions about him. It has become less frequent as he’s gotten older, but we still often hear about how human his face and eyes look.” Pahayag naman ni Hurless.


Nang minsang mag-post ng larawan ni Nori ang mag-asawa online ay nagkaroon ito kaagad ng 9,000 likes! Dito na nagsimula ang pagiging sikat ni Nori sa Twitter. At palagi na ring nagbabahagi ng kaniyang mga larawan dito ang kaniyang fur parents.

“That’s where we get all the comments about his human features, with some people saying he looks like a giant person or they’re marveling at his eyes,” Komento pa ng mag-asawa.

“Nori is incredibly sweet and friendly and very energetic and playful. He loves all people and dogs that he meets, and just wants to be friends with everyone,” Dagdag pa nila.


Continue Reading

Copyright © 2022 The Life Feed.