Connect with us

Viral

Isang aso ang labis na kinagigiliwan ngayon ng publiko dahil sa ginawa nitong pag-photobomb sa wedding picture ng kaniyang amo!

Published

on

Tiyak na mangingiti ka sa oras na masilayan mo ang “wedding guest” sa wedding photo na ito. Ang kasal ay isa sa pinakamahalagang okasyon sa ating buhay kung kaya naman talagang sinisigurado nating masasaksihan ito ng mga taong minamahal natin.

Ngunit maliban dito ay hindi rin natin hinahayaang hindi kasama ang mga alaga nating hayop. Kamakailan lamang ay naging usap-usapan ang tuta na ito.

Hulyo nang ikinasal sina Callie at Travis Jones. Nakuhanan ng wedding photographer na si Sarah Pukin ang napakaganda at napakaespesyal nilang araw na iyon. Si Sarah ay mula pa sa Calgary, Canada.

“Oh, man! Callie and Travis’ wedding was unreal. It was such an amazing day! It was a busy morning with a lot of moving parts. Their venue was absolutely fitting for them – it was chill and laid back and natural.” Komento ni Sarah.

Ngunit mayroong isang larawan na talagang ikinagulat ng lahat. Kasama nila ang aso nilang si Luna na imbitado rin sa kanilang kasal. Nakita ni Sarah kung paano ngumiti si Luna sa wedding photos ng kaniyang mga amo na tila ba ito ay isang tao rin.

Tipikal na tayong nakakakita ng mga hayop sa mga ganitong uri ng okasyon ngunit hindi ang ganitong klase ng pagngiti na nakakatuwa ngunit kadalasan ay nakakapanindig-balahibo rin naman. Ngunit para sa karamihan sa kanila ay talagang nakakatuwang larawan ito ng isang pamilya kasama ng alaga nilang aso.


“I cracked up while I was going through and selecting their final images. Her smile was perfect and she did a really good job posing for the photo!” Komento ni Sarah.

Ibinahagi ni Sarah ang larawan na ito kay Callie at talaga namang nagtawanan lamang sila. Ibinahagi din naman ito ni Callie sa isang Facebook group kung saan umani ito ng maraming komento at reaksyon.

Habang sinusulat ang artikulo na ito ay mayroon nang 1.3 million views ang naturang larawan ni Luna at ng kaniyang mga amo.



Continue Reading

Copyright © 2022 The Life Feed.