Connect with us

Viral

Isang alagang pusa ang ayaw umalis sa puntod ng kaniyang namayapang amo!

Published

on

Setyembre 2017 nang mayroong makuhanang video ng isang pusa sa Kelibang mosque sa Langkawi, Kadah, Malaysia. Matapos nilang maglibang ng isang tao sa lugar na iyon ay bigla na lamang may puti na pusang nagpakita sa kanila.

Naghuhukay ito at tila ayaw umalis sa ibabaw ng puntod ng nasawing indibidwal. Hindi ito umalis sa lugar na iyon at talagang humiga pa ito sa ibabaw ng libingan.

Kahit na isa-isa nang umaalis ang mga taong naroroon ay hindi ito alintana ng pusa. Hindi naglaon at nalaman ng mga taong natira doon na ang pusa palang ito ay alaga ng taong nasawi at nakalibing sa puntod kung nasaan nakahiga ang pusa.

Marahil ay hinahanap-hanap pa rin ng pusa ang kaniyang amo, hindi rin naman kasi nito maiintidihan na wala na ang kaniyang amo at hindi na ito babalik pa. Mahigit anim na milyong views na ang video na ito at talagang maraming mga netizens ang nagbahagi ng kanilang mga reaksyon at komento ukol dito.

“This is a sad but also very beautiful moment. I hope the cat will find someone who will take care of it as thoughtfully as its deceased owner. A loving home will help her through this pain,” Komento ng isang netizen.

Ayon naman sa mga kakilala ng pusa at ng kaniyang amo, malapit talaga ang dalawa sa isa’t-isa kahit noon pa man. Kung tayong mga tao ay nasasaktan sa tuwing may masasawi sa ating mga kapamilya, kamag-anak, o kaibigan, tiyak na ito rin ang nararamdaman ng kawawang pusa.


Hindi man nito masabi ang kaniyang nararamdaman ay tiyak na nalulungkot ito ng husto sa pagkawala ng kaniyang minamahal na amo. Kung kaya naman sana ay hindi natin malimutan na habang naririyan pa ang ating mga minamahal, tao man ito o hayop ay huwag nating hayaan na hindi natin maipakita at masabi ang tunay nating nararamdaman sa kanila.

Huwag na nating hayaan na mahuli pa ang lahat bago natin maiparamdam kung gaano sila kahalaga sa atin.



Continue Reading

Copyright © 2022 The Life Feed.