Connect with us

Viral

“Heartbroken” ang aso na ito habang nakaabang sa pintuan umaasang babalik kaagad ang amo niyang naospital!

Published

on

Hindi maipagkakaila na nagiging emosyonal din pala ang mga alaga nating aso lalo na kung ang kanilang amo ang nasa hindi magandang kalagayan. Tunay ngang “loyal companion” natin sila noon at ngayon.

Hindi mailalarawan ang koneksyon na mayroon tayo at ang ating mga alagang hayop. Tulad na lamang halimbawa ng asong ito na labis ang pag-aalala sa kaniyang among lalaki.

Hindi ito umaalis sa pintuan nila dahil hinihintay nitong bumalik kaagad ang amo niyang dinala sa ospital. Ang aso na ito ay nakilala bilang si Leia, isang German Shepherd na pagmamay-ari ni Katie Snyder.

Munting tuta pa lamang si Leia ay magkasama na sila ni Katie. Nang minsang dalhin at paalagaan ni Katie si Leia sa kaniyang magulang ay nagulat ito sa pagiging sobrang malapit nila ng kaniyang ama.

Sunod ang lahat ng gusto ni Leia lalo na kung nasa poder siya ng mga magulang ni Katie. Ito marahil ang isa sa mga dahilan kung bakit naging malapit nang husto si Leia sa kanila.
Isang gabi ay hindi inaasahan na madala sa ospital ang tatay ni Katie. Napansin nilang labis ang naging pag-alala ng alaga nilang si Leia.

Talagang naghintay pa ito sa bandang pintuan nila sa pagbabakasakali na uuwi rin agad ang kaniyang among lalaki. Kinuhanan ng larawan ng nanay ni Katie ang kanilang aso at agad na pinadala sa kaniya.


Tuwang-tuwa si Katie nang makita ang mga larawan ng kaniyang aso. Kinabukasan naman ay agad ding nakauwi ang tatay ni Katie.

Masiglang masigla na naman si Leia dahil sa wakas ay makakasama na niyang muli ang isa sa pinakapaborito niyang tao. Plano ni Katie na ilang buwan lamang niya iiwanan si Leia sa kaniyang mga magulang dahil sa kaniyang trabaho.

Ngunit dahil sa pagiging sobrang malapit nila sa isa’t-isa ay magiging permanente na ang pagtira ni Leia doon.


Continue Reading

Copyright © 2022 The Life Feed.