Connect with us

Viral

Agad na gumaling ang may sakit na pusang ito nang pinadalaw ito sa mismong puntod ng kaniyang pumanaw na among lalaki!

Published

on

Ibinahagi ng isang Facebook user na nakilala bilang si Fadhil Raihan ang naging karanasan nila kung saan ang kanilang pusa na si Rambo ay tila na-depress at nagkasakit. Agad din naman itong gumaling nang dalhin nila si Rambo sa libingan ng kanilang ama.

Ayon kay Raihan, ang Persian cat daw na ito ay inampon ng kaniyang ama at mula pa noon ay talagang naging sobrang malapit na sila sa isa’t-isa. Kahit saan pa pumunta ang kaniyang ama ay talagang kasama ito. Kahit pa nga raw sa pagtulog ay magkatabi ang dalawa.

Nang pumanaw raw ang kanilang ama ay agad ding nagkasakit si Rambo. Naging mainit ang katawan nito at hindi na kumakain.

Dumating na rin ang pagkakataon kung saan nagkaroon siya ng dehydration. Dinala na nila siya sa doktor ngunit hindi pa rin nagbabalik ang kaniyang sigla.

Pinaliwanag naman sa kanila ng doktor na hindi pisikal na sakit o karamdaman ang nararamdaman ni Rambo kundi emosyonal. Kahit malusog naman daw ang pangangatawan nito ay wala siyang gana na gumawa ng ilang mga aktibidad.

Ilang araw pa ang nagdaan at nagdesisyon silang dalhin sa puntod ng kaniyang ama si Rambo. Nang nasa puntod na sila ng kaniyang ama ay naupo lamang si Rambo sa isang tabi.
Tila nakikinig lamang ito habang nag-aalay sila ng dasal para sa kanilang ama. Nang pauwi na sila ay hindi maalis sa paningin ni Rambo ang puntod ng kaniyang amo na tila ba nagpapaalam na rin ito.

Nang makauwi na sila ay laking gulat nila nang kumain at uminom na ulit si Rambo. Dito na nagsimula ang kaniyang paggaling.

Noon lamang nila napagtanto na nais lamang din ni Rambo na mamaalam sa kaniyang amo sa huling pagkakataon. Marahil sa ngayon ay tanggap na niyang wala na ito at nasa mas mabuti nang kalagayan kung saan wala nang sakit at wala nang paghihirap.


Continue Reading

Copyright © 2022 The Life Feed.