Connect with us

Viral

Tatlong taon ang lumipas nang sa wakas ay natagpuan nang muli ng lalaking ito ang kaniyang alagang aso na matagal na niyang hinahanap!

Published

on

Sa panahon natin ngayon, marami na sa atin ang nagiging malapit sa ating mga alagang hayop. Hindi lamang hayop ang turing natin sa kanila kundi madalas ay bahagi na o parte na ng ating pamilya.

Madalas nga ay nakikita na rin natin sila sa loob ng mga malls at iba pang pampublikong lugar kasama ang kanilang mga amo o tagapag-alaga. Nakakatuwang makita ang mga hayop na ito dahil madalas ay nakasuot pa sila ng mga diaper o di kaya naman ay nakasakay sa mga sasakyan na noon ay mga sanggol o mga bata lamang ang ating nakikita.

Kung kaya naman talagang magiging napakasakit nito kung mawawalay ang mga alaga natin sa atin makalipas ang ilang taon nating pinagsamahan. Ganito marahil ang naramdaman ng matandang lalaki na si Giorgi Berejiani matapos mawala ang kaniyang alagang aso na si Jorge.

Taong 2015 nang mawala si Jorge at mula noon ay hindi na tumigil pa si Berejiani na hanapin ang kaniyang alaga. Hindi siya nagdalawang-isip na hanapin ang kaniyang alaga sa bawat bahay na kaniyang madaraanan sa Tblilisi, Georgia.

Lumipas pa ang ilang buwan at ilang taon ay hindi pa rin niya nakikita ang kaniyang alaga. Sa kabila nito ay naniniwala pa rin siyang muli silang magkikita ng kaniyang alaga balang-araw.

Isang araw, habang nagmamaneho ng kaniyang sasakyan si Berejiani ay mayroon siyang nakitang aso na kamukha-kamukha ni Jorge. Sinubukan niya itong tawagin sa kaniyang pangalan sa pagbabakasakaling ito nga ang kaniyang alaga.


Nabigla si Berejiani dahil nilingon siya ng asong ito at agad na nilapitan. Dito ay mas lalo pa niyang napatunayan na ito nga si Jorge na kaniyang alaga. Masayang masaya siya, hindi niya napigilang maluha dahil sa wakas ay magkakasama na silang muli ng kaniyang alaga na matagal na niyang hinihintay.

Maraming mga netizens din ang talagang naantig sa kanilang kwento.



Continue Reading

Copyright © 2022 The Life Feed.