Connect with us

Viral

Mag-best friend na mga tuta, palaging nagyayakapan sa tuwing magkikita sila!

Published

on

Marami na tayong natunghayan at nasaksihan na mga pambihirang hayop sa loob at labas ng bansa. Talaga namang marami sa kanila ay mayroong pambihirang mga katangian na nagpapabilib at nagpapamangha sa marami sa atin.

Kamakailan lamang ay marami ang natuwa sa dalawang magkaibigang tuta na ito dahil sa kakaibang pamamaraan nila kung paano babatiin ang isa’t-isa. Sa unang tingin ay aakalain mong ginagaya nila ang mga tao sa pagbabatian nilang ito.

Kilalanin natin si Simba, isang mini Goldendoodle at si Cooper na isa namang Havanese. Sila ay magkapitbahay lamang at madalas silang magkasamang maglakad kasama ang kanilang mga amo.

Sa paglipas ng ilan pang mga taon ay talagang mas naging malapit sila sa isa’t-isa. Hindi na halos mapaghiwalay ang dalawa at humantong pa nga sa pagtakas ni Simba sa kanilang bakuran mapuntahan lamang si Cooper.

“They love each other, and my daughter and friend’s daughter are friends too,” komento ni Couto, ang owner ni Simba.

Hanggang sa kanilang paglaki ay talagang naging malapit na magkaibigan ang dalawa. Palagi rin silang nagyayakapan sa tuwing magkikita sila. Para silang mga tao na nakatayo pa kung yumakap sa isa’t-isa.


Marahil isa ito sa kanilang pamamaraan upang maipahayag ang kanilang pagkakaibigan. Tayo ring mga tao ay hindi napipigilan ang pagyakap sa ating mga malalapit na kaibigan, hindi ba?

Tiyak na marami ang sasang-ayon na ganito rin sila sa kanilang mga kaibigan. Sinong mag-aakala na ang isang popular na paraan natin ng pagbati ay kayang-kaya rin palang gawin ng mga alaga nating hayop?

Napakarami pa ang mga bagay na natutuklasan natin sa ating mga alagang hayop sa paglipas ng panahon. Kung kaya naman tulad ng palagi nating naririnig sa mga nakatatanda, alagaan natin ang mga alaga nating hayop dahil tulad natin ay mayroon din silang pakiramdam na dapat din naman nating irespeto, kilalanin, at pahalagahan.


Continue Reading

Copyright © 2022 The Life Feed.