Connect with us

Viral

Kilalanin si Zorro, ang father cat na talaga namang kamukhang-kamukha ng kaniyang maliit na kuting!

Published

on

Kinagigiliwan ngayon ng publiko ang pusang ito na si Boy o kung tawagin ng nakararami ay si Zorro. Siya ay isang father cat na mayroong natatanging katangian – ito ay ang pagkakaroon niya ng tila isang maskara sa kaniyang mga mata na inihahalintulad ng marami sa karakter ni Zorro.

Mayroon din siyang isang kuting na talaga namang kamukhang-kamukha niya. Ito ay si Bandit.

Napakaraming alagang pusa ni Indraini Wahyudin Noor sa kanilang tahanan ngunit isa si Boy o si Zorro sa kaniyang mga paborito dahil sa natatangi nitong hitsura. Bagamat hindi na nakapagtataka na mamana ng kaniyang mga kuting ang katangian niyang ito, naging isang malaking sorpresa pa rin sa kaniya na ang isa sa mga kuting ng kaniyang alaga ay tila mayroon ding munting maskara sa kaniyang mukha.

Dahil na rin sa katangian na ito ng kuting kung kaya naman Bandit ang ipinangalan sa kaniya ni Indraini Wahyudin Noor. Noon pa man, talagang marami nang mga netizens ang agad na napupukaw ang atensyon sa mga ganitong klase ng hitsura ng mga hayop.

Sa ngayon ay itinuturing na ring isang sikat na hayop si Zorro dahil sa pagiging kilala niya sa social media platform na TikTok. Tunay nga na maraming mga netizens ang hindi maitago ang kanilang kagalakan sa tuwing nakikita nila ang mag-amang pusa na ito.

Kung kaya naman inuulan din ng mga reaksyon at komento online ang mga videos nina Zorro at Bandit. Marami na tayong natutunghayan na nakakamanghang bagay ngayon lalo na at laganap na rin talaga ang social media at ang internet.


Ngunit sa paglipas ng panahon ay marami pa rin tayong natutuklasang bago na nakapagbibigay sa atin ng kasiyahan at kaalaman patungkol sa mga hayop sa ating paligid. Huwag sana nating kalimutan na mas maging responsable pa tayong indibidwal mayroon man tayong mga alagang hayop o wala.

$bp(“Brid_59370795”, {“id”:”23832″,”width”:”757″,”height”:”426″,”video”:”1066376″,”autoplay”:0,”shared”:true});

Dahil tulad natin ay mahalaga rin naman ang kanilang mga buhay.


Continue Reading

Copyright © 2022 The Life Feed.