Connect with us

Viral

Isang matalinong dolphin ang pabalik-balik sa dalampasigan na may dalang regalo para sa mga tao mula sa ilalim ng karagatan!

Published

on

Noon pa man ay marami na sa atin ang nakakaalam na ang mga dolphins ang pinakamatalinong hayop mula sa karagatan. Kamakailan lamang ay marami ang nagtataka kung bakit pabalik-balik si Mystique, isang “humpback dolphin” sa dalampasigan na may dalang regalo para sa mga tao mula sa ilalim ng karagatan!

Ito pala ay upang ipagpalit niya ang mga ito sa pagkain. Ibinibigay niya ito sa mga volunteers ng Barnacles Dolphin Centre sa Queensland, Australia. Magmula sa nakakamanghang mga corals hanggang sa mga lumang bote ay talagang nagagawa niyang madala ito sa mga taong magpapalit at bibigyan naman siya ng pagkain kalaunan.

Sarado ang lugar na ito nang kasagsagan ng pandemya kung kaya naman nagagawang magpabalik-balik ni Mystique.

“Mystique is doing well, keeping the pod in line, but it’s quite clear that he is missing the attention from the public, he has been a big show-off the past few weeks.” Komento ng isa sa mga staff ng center.

“He brings us in all sorts of things like planks of wood, corals, old glass bottles, sea sponges, and rocks, ranging in all sorts of shapes and sizes.” Dagdag pa nito.

“He had always brought us gifts, but only since the lockdown closure has he been bringing in multiple gifts each morning.” Pagpapatuloy niya.


Tunay nga na nakakatuwang makakita ng mga ganitong klase ng hayop. Marahil inaakala natin noon na hindi nila kayang makipag-usap sa atin dahil sa ating mga pagkakaiba ngunit sa ngayon ay batid na natin na mayroon din silang mga kakayahan na ngayon pa lamang natin natutuklasan.

Kung kaya naman sana ay mas marami pa sa atin ang magawang protektahan at alagaan ang ating mga hayop at ang ating kapaligiran. Dahil wala rin namang ibang mangangalaga nito kundi tayo lang.

Kung marami sa atin ang gagawa nito ay tiyak na mas magkakaroon pa ng pagkakataon ang makabagong henerasyon na masilayan ang mga pambihirang hayop na ito.


Continue Reading

Copyright © 2022 The Life Feed.