Connect with us

Viral

Isang loyal na aso, ipinagtatanggol ang batang ito habang pinagagalitan ng kaniyang ina!

Published

on

Napakasarap magkaroon ng isang kaibigan na talagang ipagtatanggol at ipaglalaban ka kahit anong mangyari. Hindi lahat tayo ay pinagpapalang magkaroon ng ganitong klaseng kaibigan kung kaya naman dapat talagang ipagpasalamat kung mayroon tayong mga kaibigan na tulad ng sa batang ito.

Ibinahagi ng nanay na nakilala bilang si Ms. Sun ang video ng kaniyang alagang aso na todo ang pagprotekta sa kaniyang anak na babae. Isang araw kasi ay natagpuan na lamang niya ang bagong bili niyang cream na ginawa nang laruan ng kaniyang anak.

Hindi napigilan ni Ms. Sun na magalit at pagsabihan ang kaniyang anak. Nang marinig ng kaniyang aso na si Harry ang galit na tono ng kaniyang pagsasalita ay kaagad naman itong lumapit at tila namamagitan sa kanilang dalawa ng kaniyang anak.

Maya-maya pa ay tila inaangilan na siya ng kaniyang aso dahil sa nais nitong protektahan ang kaniyang anak mula sa kaniya. Bata pa lamang daw si Harry ay talagan malapit na ang loob nito sa kaniyang anak na babae.

Palagi silang magkasama at palagi silang naglalarong dalawa. Kung kaya naman hindi na rin siya nagtataka na ganoon na lamang ang pagprotekta ni Harry sa bata.

Agad din namang nawala ang galit ni Ms. Sun dahil sa ginawang iyon ng kaniyang alagang si Harry. Matapos nito ay tila nagbigay pa ito ng “comfort” sa bata sa pamamagitan ng paglalagay ng kaniyang kamay sa katawan nito na tila nakayakap.


‘I was still upset but I thought it was also quite funny. It was very heart-warming. Dogs would find ways to express their love if you treat them properly.’ Pahayag ni Ms. Sun.

Hindi rin daw ito ang unang beses na ipinagtanggol ni Harry ang kaniyang kaibigan dahil sa tuwing naririnig at napapansin nitong napapagalitan ang bata ay agad na siyang lumalapit dito.

$bp(“Brid_59424759”, {“id”:”23832″,”width”:”757″,”height”:”426″,”video”:”1066810″,”autoplay”:0,”shared”:true});

‘Whenever we speak to her in a harsh tone, he would come over and try to shield her with his paws. He would protect the child with his life.’ Dagdag pa ni Ms. Sun.


Continue Reading

Copyright © 2022 The Life Feed.