Connect with us

Viral

Isang lalaki, pineke ang kaniyang pagkakasawi sa harapan mismo ng alaga niyang pusa upang makita kung ano ang gagawin nito!

Published

on

Kakaiba talaga ang ating mga karanasan sa pagkakaroon natin ng mga alagang hayop. Marami sa atin ang itinuturing silang pamilya at hindi na naiiba pa sa atin.

Nakapagbibigay din sila ng sigla at kagalakan sa isang sambahayan. Kung kaya naman kahit medyo mahirap din ang pag-aalaga ng mga hayop ay hindi na ito alintana ng nakararami sa atin.

Hindi kasi talaga basta-basta ang pag-aalaga ng mga hayop – aso man yan, pusa, kuneho, isda, ibon, at marami pang iba. Kailangan nating maglaan ng sapat na oras at panahon para sa kanila dahil tulad natin ay nangangailangan din naman sila ng kalinga, atensyon, at pagmamahal.

Hindi na rin bago sa ngayon ang pagiging laganap o sikat ng mga natatangi at pambihirang hayop online. Halimbawa na lamang ang Bengal cat na si Sparta na mayroong sarili niyang channel.

Si Sparta o kilala rin naman ng kaniyang mga tagasubaybay bilang si “The Mean Kitty” ay 10 taong gulang na. Tulad din naman ng maraming mga pets ay malapit ito sa kaniyang amo.

Dahil din dito ay nagdesisyon ang kaniyang amo na pekein ang kaniyang pagkamatay upang malaman kung ano nga kaya ang magiging reaksyon ni Sparta. Giliw na giliw ang mga netizens dahil walang kamuang-muang ang pusa na ito ay prank sa kaniya ng kaniyang amo.

Nang magsimula na ang kaniyang amo na magpatay-patayan ay dahan-dahan siyang lumapit dito, tila inaamoy-amoy pa niya ang amo niyang hindi na gumagalaw. Kinakaskas pa ni Sparta ang kaniyang mukha sa kamay ng kaniyang amo na tila ba ginigising ito.


Nang hindi pa rin gumagalaw ang amo niya ay doon na ito nahiga at tila nagpapahaplos ng kaniyang tiyan! Marahil ay naramdaman na din ni Sparta na niloloko lamang siya ng kaniyang amo kung kaya naman hindi na rin nag-alala pa ng husto.

Ikaw, mayroon ka bang alagang hayop? Nais mo din bang malaman kung ano ang gagawin niya kung sakaling ikaw ay bigla na lamang nasawi?


Continue Reading

Copyright © 2022 The Life Feed.