Connect with us

Viral

Isang elepante ang agad na nakatutulog sa tuwing kakantahan siya ng kaniyang tagapag-alaga ng “lullaby”!

Published

on

Kinagigiliwan ngayon ng publiko ang isang elepante na nakilala sa pangalang Faamai. Siya ay nasa pangangalaga ngayon ng “Save the Elephant Foundation” sa Thailand.

Maraming mga netizens ang namangha dahil sa nakakaya siyang patulugin ng kaniyang tagapag-alagang si Sangduen “Lek” Chailert sa pamamagitan lamang ng pagkanta nito ng isang “lullaby”. Makikita sa video kung gaano ka-komportable ang elepante sa kaniyang tagapag-alaga.

Si Lek ay ang director ng naturang sanctuary at isang “multi-award-winning animal environmentalist” na ang adbokasiya ay mapangalagaan at maprotektahan ang mga elepante sa kanilang lugar.

Marami na ring mga palabas sa telebisyon ang nagpapalaganap ng pangangalaga sa mga hayop na ito tulad na lamang halimbawa ng BBC, National Geographic, Discovery, at Animal Planet.

Ayon kay Lek, hindi lamang daw ang mga sanggol ang nangangailangan nito kundi maging ang mga hayop din naman tulad ng mga elepante.

“Not just only human babies need that. Elephants want that part too,” Caption ni Lek sa kaniyang video.

Ayon sa ilang mga ulat, mayroon talagang mga hayop na nagugustuhan ang mga awitin o musikang ito at mayroon pa nga na nagha-hum o humuhuni pa nga sa kanilang mga sarili. Mayroon ding mga “scientific evidence” na makapagpapatunay na ang mga elepante ay isa sa mga hayop na ito.

 

Mayroon ding tatlong zoo sa Europa na nakakuha ng “low-frequency hums” mula sa mga giraffe noong Setyembre ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin batid ng mga siyentipiko ang dahilan nito. Mayroon pang isang pag-aaral kung saan ang mga gorilya ay gumagawa ng mga masayahing kanta sa kanilang sarili bago o habang sila ay kumakain.

Tunay nga na nakakamangha ang mga ganitong abilidad ng mga hayop na natutuklasan natin. Sa mga panahon na lumilipas ay marami pa pala tayong dapat matutunan at kayang matuklasan patungkol sa kanila.

Ano pa kaya ang mga bago at nakakamanghang bagay ang madidiskubre natin patungkol sa mga hayop sa ating paligid sa mga darating pang panahon?


Continue Reading

Copyright © 2022 The Life Feed.