Connect with us

Viral

Isang beterinaryong nagbibigay ng libreng konsultasyon sa mga alagang hayop sa lansangan, inulan ng paghanga mula sa publiko!

Published

on

Hindi na lingid sa kaalaman ng nakararami sa atin na talagang mahirap ang mag-alaga ng mga hayop. Dahil tulad nating mga tao ay marami din silang pangangailangan.

Marami rin sa ating mga kababayan ngayon ang nag-aalaga pa rin ng mga hayop kahit batid naman nilang mahirap ang buhay. Dahil sa mga ganitong pagkakataon ay hindi na nagdalawang-isip pa ang isang beterinaryo na tumulong sa abot ng kaniyang makakaya.

Siya ay nakilala bilang si Dr. Stewart Kwane, “street veterinarian” kung tawagin siya ng mga taong nakakakilala sa kaniya. Libre niya kasing tinutulungan ang mga alagang hayop ng mga taga-California na walang sariling tahanan.


Taong 2011 pa nang simulan niya ang kaniyang misyon na ito. Hindi lamang niya ginagamot ang mga hayop na kaniyang nakikita sa kalye kundi binabayaran din niya ang mga pagkain nito at bayad sa doktor kung kinakailangan ng mga ito.

Ang lahat ng ito ay mula sa sarili niyang bulsa. Sa tuwing siya ay magtutungo sa isang lugar kung saan siya ay mayroong susuriin na mga hayop ay palagi siyang may dala-dalang medical bag.

Dahil sa dami ng kaniyang pinupuntahang lugar at tinutulungang mga hayop ay nangailangan na rin siya ng tulong. Kung kaya naman inilunsad niya ang GoFundMe page sa social media upang mas marami pa siyang matulungan.

“The cost of minor treatments like ear infections, flea treatment, or vaccines can be around $100, whereas more serious cases of pet care like a tumor removal or dental with extractions can be $1,500,” Pagbabahagi ni Dr. Kwane.

Isa sa mga napalapit na aso kay Dr. Kwane na si Dinker ay mayroong bihirang kondisyon. Isa siya sa mga makikinabang sa GoFundMe campaign.



Continue Reading

Copyright © 2022 The Life Feed.