Connect with us

Viral

Isang aso na mayroong malungkot na nakaraan ang naging isang full-time employee sa isang gas station na mayroon pang ID at uniporme?!

Published

on

Kilalanin ang pambihirang aso na ito na si Negão. Siya lang naman ang dating aso na palaboy na palaging nasa isang gas station sa Brazil. Dahil dito ay binigyan na siya ng may-ari ng naturang establisyemento ng isang “full time job”.

Ayon sa mga nauna nang ulat, si Negão ay isang inabandonang aso. Iniwanan siya ng kaniyang dating mga amo sa naturang gas station kung saan siya madalas mamalagi upang maghanap ng makakain at kalinga mula sa mga taong naroroon.

Maraming mga kostumer ng gas station ang nagbibigay sa kaniya ng pagkain at bilang pasasalamat sa mga ito ay winawagayway naman nito ang kaniyang buntot. Napakabait ng aso na ito na napansin din ng gas station owner na si Sabrina Plannerer.

Kung kaya naman napagdesisyunan nitong ampunin na lamang si Negão. Sila na ang nagbibigay ng pagkain dito, ng kaniyang matutuluyan, at lahat ng proteksyon na kaniyang kailangan.

Mula noon ay tila ba mas naging masigla pa si Negão. Palagi niyang binabati ang mga kostumer ng gas station na agad din namang napansin ni Plannerer. Dahil dito ay binigyan na ng trabaho ni Plannerer si Negão bilang “customer service representative”.

Tulad ng ibang mga empleyado ay binigyan na rin si Negão ng “job ID card” na mayroong larawan niya mismo at mayroon ding nakasulat na pangalan niya. Mayroon din siyang company uniform at pulang cap sa kaniyang ulo.


Masayang masaya naman ang may-ari ng gas station dahil sa naitutulong ni Negão sa kaniyang negosyo. Dagdag pa niya, mahal na mahal siya ng mga kostumer nila na madalas ay mayroon pang dalang pagkain at mga laruan para sa kaniya.

Nakakatuwang malaman na maaari din palang mabigyan ng pagkakataon ang mga hayop na ito tulad ni Negão na makapagtrabaho. Nagagawa nilang makapagpasaya ng maraming mga tao at bumabalik rin ito sa kanila dahil inaalagaan at minamahal din siya ng mga ito.


Continue Reading

Copyright © 2022 The Life Feed.