Connect with us

Viral

Isang aso ang nagligtas ng buhay ng sanggol na ito, hindi nagtagal at siya naman ang nakatanggap ng tulong mula sa mabubuting tao!

Published

on

Sa araw-araw na gawain at aktibidad natin ay hindi na maiiwasang makakita tayo ng maraming mga hayop sa lansangan. Mga alagang hayop noon na basta basta na lamang inabandona ng mga tinuturing nilang pamilya.

Kadalasan ay naiiwan na lamang silang mag-isa sa lansangan at umaasa sa mga pagkain sa basurahan. Kamakailan lamang ay marami ang pumuri sa isang hero dog na ito na nakilala sa pangalang Blacky.

Naging isa siyang hero dog matapos niyang mailigtas ang isang kawawang sanggol na nasa tambakan ng basura sa Cebu City. Ayon na rin sa mga nauna nang ulat, ang sanggol ay natagpuan ng isang motrocycle driver sa Barangay Magcagong.

Naikwento ng driver na ito na si Junrell Revilla na ayaw siyang tigilan ng asong kulay itim ng mga oras na iyon na tila ba may nais itong sabihin sa kaniya. Nang sundan niya ang asong ito ay nagulat siya dahil doon na tumambad sa kaniya ang nakakahabag na kalagayan ng sanggol.

Nakabalot raw ito sa kulay kayumanggi na twalya na mayroon pang katabing plastik kung saan naman nakalagay ang placenta nito. Nang makarating naman ito sa kaalaman ng isang pribadong organisasyon, ninais ng “PAWSsion project” na mabigyan ng gantimpala ang asong si Blacky.


Kalaunan ay natuklasan nilang hindi naman pala asong kalye si Blacky. Ang kaniyang amo ay si Lyndon Olingay na mayroon nang apat na mga anak at tatlong mga apo.

Maliban kay Blacky ay mayroon pang siyam na mga alagang aso si Lyndon.

“We will also tap a vet who can go onsite to check the dogs, have then vaccinated, spayed, and neutered. We also wish to send 2 sacks of rice, groceries, and milk for the family and dog food for the dogs.” Pagsasalaysay ng grupo.

Maliban sa planong ito ng grupo ay nagbabalak rin silang makalikom ng Php50,000. Halagang Php25,000 ay mapupunta sa vet, spaying, at, neutering.

Para naman sa ibang aso ni Lyndon ang matitirang Php25,000. Maraming mga netizens din naman ang nagpaabot ng tulong para sa aso na si Blacky at ng kaniyang pamilya.



Continue Reading

Copyright © 2022 The Life Feed.