Connect with us

Viral

Huling yakap ng isang US Air Force Veteran sa kaniyang service dog na ilang taon niya ring nakasama, umantig sa puso ng publiko!

Published

on

Hindi napigilan ng publiko na maantig sa kwentong ito ng isang US Air Force Veteran na talagang yumakap at namaalam sa kaniyang service dog sa kahuli-hulihang pagkakataon. Ang kaniyang service dog ay si Bodza, isang 11-taong-gulang na German shepherd.

Siya ay isang explosive detection pooch sa Kuwait at Kyrgyzstan. Hindi nagtagal at naging malapit siya kay Kyle at hindi na mapaghiwalay pa ang dalawa.

“I loved working with him because he taught me a lot – patience as a young handler, and how to understand that this job isn’t just about you,” Komento ni Kyle.

Nang naging matanda na si Bodza para sa trabahong iyon ay hindi na nagdalawang-isip pa si Kyle na iuwi siya sa kanilang tahanan at gawin siyang parte ng kanilang pamilya.

“I took him home the same day. He was even more loyal at home. He followed me around everywhere. He would lay his head down flush with the bed and tell me good night, every night.” Pagsasalaysay pa ni Kyle.

Ngunit nagbago ang masasayang araw nila nang madiskubre nila na mayroon palang karamdaman si Bodza na “degenerative myelopathy”. Ito ay isang karamdaman na wala pang lunas sa ngayon, unti-unti nitong naapektuhan ang spinal cord ng isang aso.


Hindi nagtagal at hindi na nga makatayo at makalakad ng maayos si Bodza. Maging ang pagpunta sa banyo ay talagang naging mahirap para sa kaniya.

Kalaunan ay hindi na niya kinaya pa ang stress na ito sa kaniyang katawan. Dahil dito ay nagdesisyon na rin si Kyle na tulungan ang kaniyang matalik na kaibigan at tuldukan na ang paghihirap nito.

“It was incredible. There were heartache and peace all at once that came over me. I will never forget how loyal he was. He was selfless – more than any human I’ve ever known. He’s done so much for next to nothing and did it with a smile. I miss him every day.” Dagdag pa ni Kyle.


Continue Reading

Copyright © 2022 The Life Feed.