Connect with us

Viral

Golden retriever na talagang interesado sa “fitness”, pumukaw sa atensyon ng publiko!

Published

on

Tipikal na lamang sa ngayon ang makabalita tayo ng mga taong nagkasakit dahil sa sobrang pagtatrabaho. Nitong mga nagdaang panahon kasi ay mas naging prayoridad ng karamihan sa atin ang kumita ng pera.

Hindi lamang para sa pang-araw-araw nating pangangailangan kundi pati na rin sa mga luho natin tulad ng pagbabakasyon, pagbiyahe, at marami pang iba. Nawalan na ng oras at panahon ang karamihan sa atin na mag-ehersisyo dahilan upang maging sakitin at mahina tayo.

Ayon nga sa isang kasabihan, “money makes the world go round”. Mas maraming pera o mas maraming kita ay mas mainam at mas maganda.

Ibig sabihin kasi nito ay komportableng buhay. Buhay na lahat ng kailangan at gusto mo ay maaari mong bilhin.

Ngunit lingid sa ating kaalaman na maaari itong magdulot ng kapahamakan sa atin. Kung kaya naman talagang nagsilbing inspirasyon sa publiko ang golden retriever na si Riptide.

Noon ay hindi naman daw ito interesado sa “fitness” ngunit nagbago ang lahat nang makita niya ang Stanford Women’s Crew sa beach. Nang makita sila ni Riptide ay sinubukan nitong sumali sa kanilang pagwo-workout.

Mula noon ay palagi na nila siyang kasama sa kanilang workout routine. Minsan nang nakuhanan si Riptide habang ginagawa ang Ab bicycles at talagang kitang-kita sa mukha nitong nasisiyahan siya sa kaniyang ginagawa.

Marami rin ang humanga sa kaniya dahil hindi na niya kailangan pang turuan ng steps, kayang-kaya nitong gayahin ang ginagawa ng mga kababaihan sa kaniyang paligid. Sa ngayon ay isa na siyang Instagram star na mayroong higit sa 14,500 na mga followers.

Tunay nga na kung kaya ni Riptide na kumilos, gumalaw-galaw, at alagaan ang kaniyang kalusugan, tiyak na magagawa rin natin ito. Hindi lamang ito para sa ating mga sarili kundi para na rin sa mga taong nagmamahal sa atin.

Lagi nating tandaan na palaging nasa huli ang pagsisisi. Kung kaya naman hangga’t maaari ay bigyan din natin ng sapat na oras at panahon ang ating mga katawan.

Nangangailangan din naman sila ng pamamahinga at pangangalaga.



Continue Reading

Copyright © 2022 The Life Feed.