Connect with us

Viral

Isang YouTuber gumawa ng isang customized fish tank upang makasama niya sa paglalakad ang kaniyang alagang goldfish!

Published

on

Isa na marahil sa pinoproblema ng mga taong may alaga o pet na isda ay hindi katulad ng pagkakaroon ng mga aso at pusa na madaling isama sa labas, talagang “struggle is real” kung nanaisin mong isama sa iyong morning or night walks ang iyong pet fish. Ngunit kamakailan lamang ay maaari din palang maging posible ito.

Tulad na lamang ng ginawa ng isang YouTuber na ito sa kaniyang pet fish na inilagay niya sa isang mobile fish tank! “Fish tank on wheels” kung ilarawan ito ng ilang mga netizens na talagang namangha at nabigla sa ideyang ito.

Ayon sa ilang mga netizens, ang lalaking may dala-dala ng kaniyang pet fish ay walang iba kundi ang Taiwanese DIY youtuber na si Huang Xiaojie o mas kilala rin bilang si “Jerry”. Naibahagi rin pala niya sa kaniyang mga videos kung paano niya nilikha ang imbensyon niyang ito.

DIY o “do-it-yourself” project lamang daw niya ito. Una niyang ginawa ang metal chassis bilang pang-suporta at saka niya ito nilagyan ng acrylic tube, gulong, at handle para sa pagtutulak.

Ang acrylic tube na kaniyang ginamit ay isang fish tank na mayroon ding “battery-powered filtration system”, “air pump” para sa oxygen, at “lighting system” kung nais nilang lumabas nang gabi. Tatlo sa kaniyang mga goldfish ang madalas niyang inilalabas at ligtas din naman niyang naibabalik sa loob ng kanilang tahanan.


Marami sa kaniyang mga tagasubaybay ang pumuri sa kaniyang imbensyon. Nais din daw nilang magamit ito sa hinaharap kung sakaling babalakin niyang gumawa pa ng mas marami nito.

Umani ng napakaraming papuri at komento ang gawa niyang ito na talaga namang malaki raw ang maitutulong sa mga pet owners na mayroong mga alagang isda na nais nilang dalhin o makasama sa labas ng kanilang mga tahanan. Ikaw, gusto mo rin bang masubukan ang kakaibang mobile fish tank na ito?



Continue Reading

Copyright © 2022 The Life Feed.