Connect with us

Viral

Isang security guard, pinagsasabay ang trabaho at pag-aaral bilang isang architecture student!

Published

on

Edukasyon ang isa sa mga bagay na talagang importante noon pa man sa maraming mga Pilipino. Para kasi sa marami sa atin, ang pagkakaroon ng magandang edukasyon ay tiyak na makatutulong upang magkaroon tayo ng mas magandang kinabukasan.

Ito ang isa sa mga susi upang mas maging maliwanag ang ating mga plano sa buhay. Kung kaya naman ganoon na lamang ang pagsusumikap ng mga magulang na mapagtapos ang kanilang mga anak kahit gaano pa kahirap ang buhay at kamahal ang mga gastusin sa paaralan.

Para naman sa mga anak, talagang nagsusumikap din sila upang masuklian ang pagsuporta sa kanila ng kanilang mga magulang. Ngunit para sa mga taong nais pa ring makapagtapos ng pag-aaral ngunit walang ibang susuporta sa kanila, talagang nagsusumikap na lamang sila at nagtitiwala sa kanilang mga sarili.

Kamakailan lamang ay naging inspirasyon sa publiko ang security guard na ito na hindi lamang pala isang guwardiya, kundi isa ring architecture student. Siya ay nakilala bilang ang 25 taong gulang na si Melquisidec Aurea. Ang netizen na si Cristina Sofia Frencillo ang nagbahagi ng kaniyang mga larawan sa social media kung saan nakita ng marami ang kaniyang dedikasyon sa pag-aaral.


Makikita kasi sa ilang mga larawan na gumuguhit siya gamit ang munting ilawan niya habang wala siyang masyadong ginagawa sa kaniyang duty. Sa tuwing may dadaan naman daw na tao ay talagang naka-alerto daw ito ng husto.

“Initially, nagulat po kami kasi ‘yung focus niya po ay sa work niya talaga, tapos everytime po na may dadaan naa-alarma siya kaagad. Kung wala namang tao siya ay nagdo-drawing.” Pahayag ni Cristina.

Maraming mga netizens ang talagang humanga sa kaniya. Marami din ang nagkomento na naging inspirasyon sa kanila ang pagsusumikap na ito ni Melquisidec.

Tunay nga na walang makakahadlang kahit pa ang kahirapan sa taong mayroong pangarap sa buhay at talagang may dedikasyon na maabot ang tagumpay sa hinaharap.


Continue Reading

Copyright © 2022 The Life Feed.