Connect with us

Viral

Isang dog shelter sa Thailand, nagbibigay ng ikalawang pagkakataon para sa mga paralisadong aso!

Published

on

“The Man That Rescues Dogs” ay isang animal shelter sa Chonburi, Thailand. Talagang libo-libong mga aso ang kanilang inaalagaan kabilang na ang mga paralisadong hayop.

Nagkakaroon ang mga ito ng ikalawang pagkakataon na magkaroon pa ng mas maayos na pamumuhay kasama ang iba pang mga hayop. Ang taong nasa likod ng shelter na ito ay walang iba kundi si Michael J. Baines.

Siya ay isang Swedish national na nanirahan sa Chonburi taong 2002 upang magbukas ng isang restawran. Ngunit napansin niya ang napakaraming mga hayop na nagkalat at naglipana sa lugar – mga asong inabandona at wala nang kumakalinga pa.

Taong 2011 ay napalapit siya sa isang ligaw na aso na talagang nangangailangan ng kaniyang tulong. Pagkatapos nito ay napansin niyang mas marami pa ang nangangailangan ng kaniyang tulong kung kaya naman hindi na siya nagdalawang-isip at tumulong pa sa mas maraming mga aso.

Hindi nagtagal at nagkaroon na siya ng ilang daang mga asong inaalagaan. Taong 2017 naman ay naitatag na niya ang “The Man That Rescues Dogs animal shelter”.

Mula noon ay halos nasa mahigit 1,000 na rin ang bilang ng mga aso na kanilang natutulungan kabilang na nga ang mga paralisado. Kadalasan ay nababangga ng sasakyan ang mga hayop na ito kung kaya naman napuputulan sila ng paa at ilang bahagi ng katawan habang ang iba naman ay dahil sa pang-aabuso ng kanilang mga dating tagapag-alaga.


Dahil sa dami ng mga donasyong natatanggap nila galing sa mga Thai at sa ibang bayan, mas marami pang mga aso ang kanilang natutulungan.

“Without a doubt, it’s giving the sick, neglected, abused street dogs of Thailand the second chance that they deserve,” Pahayag ni Baines.

“When you see a paralyzed dog in their wheelchair for the first time, running free and smiling, that’s right up there as one of the best parts of the process.” Dagdag pa niya.


Continue Reading

Copyright © 2022 The Life Feed.